Pasyente sa isolation centers idinaan sa sayaw pagkabagot | Bandera

Pasyente sa isolation centers idinaan sa sayaw pagkabagot

- April 24, 2020 - 05:08 PM

IMBES na “magpakain” sa pagkabagot ay sa sayaw idinadaan ng mga pasyente na naka-quarantine sa Brgy. Luz sa Cebu City ang kanilang maghapon.

Ngayong araw ay nagkalat sa social media ang video ng mga nagsu-Zumba sa Barrio Luz National High School.

Ang mga kasali sa video ay mga residente ng Sitio Zapatera na naka-quarantine matapos magpositibo sa virus ang karamihan sa kanila.

Ang mga pasyente, na pawang asymptomatic, ay inilagay sa paaralan upang mailayo sila sa kanilang mga kapitbahay sa sitio.

Sumunod naman sa social distancing ang mga pasyente habang nagsasayaw.

Ang mga hindi sumali sa Zumba session sa school grounds ay naispatan na humahataw sa mga lobby.

Dalawang matandang babae ay nakita ring sumali sa pagsu-Zumba sa itaas ng nasabing eskuwelahan.

Naaliw naman dito ang maraming netizens, na sinabing ipagdadasal nila ang mga residente na naka-confine sa school.

Ayon sa ulat, aabot sa 140 residente ng Brgy. Luz ang positibo sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending