Darryl sa kasong isinampa ni Vic: May gag order na po sa lahat

Darryl Yap sa kasong isinampa ni Vic Sotto: May gag order na po sa lahat

Ervin Santiago - January 13, 2025 - 02:31 PM

Darryl Yap sa kasong isinampa ni Vic Sotto: May gag order na po sa lahat

Vic Sotto, Darryl Yap

NAGLABAS na ng gag order ang korte para sa kampo ng TV host-actor na si Vic Sotto at sa controversial director na si Darryl Yap.

Ito’y kaugnay pa rin ng isinampang 19 counts of cyberlibel ni Bossing Vic laban kay Direk Darryl dahil sa teaser video ng kanyang upcoming movie na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Nagbigay ng update ang blockbuster direktor tungkol sa kinakaharap na kaso sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ngayong araw kung saan ibinahagi niya ang ilang dokumento na natanggap nila mula sa Muntinlupa Regional Trial Court, Branch 205.

Ang caption ni Darryl Yap sa kanyang FB page, “Posting the latest Order in my case.  For the information of the public.  I am enjoined from making any further comment.”

Baka Bet Mo: Darryl Yap rumesbak kay Arnold Clavio: Sino ka para pangunahan ang MTRCB?

Kasunod nito, inisa-isa niya ang mga puntos na kailangan nilang gawin hinggil sa kautusan ng korte.

“Narito po ang pinakabagong tugon sa reklamo laban sa Inyong Lingkod.

“1. Nagkakamali ang Divina Law (ang abogado ng kabila) na may order na ang husgado na i-takedown ang aking promo materials para sa #TROPP #TROPP2025. The Rapists of #PepsiPaloma.

“Wala pong takedown order.

“2. Ang hearing ay moved na sa Jan. 17.  Hintayin ng husgado ang kanilang sagot sa aking Motion for Consolidation

“3. Meron na pong GAG ORDER sa lahat, di na kami pwede magpahayag tungkol sa merito ng kaso, para di magkaroon ng kaguluhan sa pag-iisip ng tao.

“Ito na po ang huling pagkakataon na magsasalita ako patungkol sa kaso at naway malinaw po ito sa lahat ng sumusubaybay.

“Maraming Salamat Atty. Fortun!

“Thank you!”

Nauna nang nilinaw ng controversial filmmaker na hindi niya binago ang titulo ng upcoming movie niyang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

May mga nagre-react kasi na bigla raw siyang kumambiyo at tila natakot sa 19 counts of cyberlibel na isinampa laban sa kanya ni Vic kaya tinanggal ang salitang “Rapists” sa titulo ng pinag-uusapang biopic ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.

Muling nag-post si Direk Darryl sa kanyang Facebook page para ipaalam sa buong mundo na hindi pinalitan ng film production company niyang VinCentiments ang title ng bago niyang movie na pinagbibidahan ng teen star na si Rhed Bustamante bilang Pepsi Paloma.

“Hindi po binago ang title ng #TROPP #TROPP2025…THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA.

“Meron lamang pong mga sinehan sa bansa ang nagpauna nang nagsabing hindi sila maaaring magpaskil ng salitang RAPISTS kaya ang makikita lang sa kanila ay #PEPSIPALOMA,” simulang paglilinaw ni Direk Darryl.

Sabi pa ng blockbuster director, wala pa siyang isang dekada sa entertainment at movie industry at aminadong wala siyang ganu’ng kalaking resources para lumaban sa milyun-milyong trolls sa social media.

“Ako po ay 7 years pa lamang sa Industry, walang sapat na makinarya laban sa trolls, fake news, pag pabor ng mainstream media.

“Ang Pelikula po, mabawasan man o madagdagan ng salita o kataga, iisa lamang ang basa—KATOTOHANAN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pakaabangan ang Official Trailer at ang pag-aanunsyo kung kailan sa Pebrero ipalalabas ang aming munting Pelikula,” buong mensahe ni Direk Darryl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending