NAGULAT ang mga magulang ng dalawang-taong-gulang na bata nang malaman na benepisyaryo ng Special Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Services (DSWD) ang kanilang anak.
Hindi naman kasama sa listahan ang mag-asawa.
Ayon kay Darcy Ablong, nagsumite sila ng kopya ng SAP form sa barangay ilang linggo na ang nakararaan sa pag-asang makatatanggap ng P6,000 ayuda.
“Nahibulong ko ngano naa siya sa lista ng lista nga ila gibasehan 2015 man nga lista, nya 2018 man ni naanak. Siya naapil, ako wala,” ani Darcy.
(I was surprised to see my daughter listed in the SAP because they said they based the beneficiaries from the 2015 list, but she was born in 2018. She was included, I was not.)
Ayon sa ama, wala namang kapangalan ang anak nila sa sitio. Aabot sa 155 indibidwal sa sitio ang nasa listahan ng benepisyaryo.
Sinabi naman ni Cebu City Department of Social Welfare and Services head Dr. Jeffrey Ybones na nagkamali lamang umano sa filing ng form.
Paliwanag niya: “A 2-year-old could not have signed or filled-up a SAP form nor could she have been identified as the head of the family, which means it would be impossible for her to be the beneficiary.”
Sinabi ni Ybones na kaya ipinapa-post sa mga barangay ang listahan ng mabibigyan ng ayuda upang maisa-isa ng mga residente at makita kung may mali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.