Dagdag kaso vs beauty queen, BF na nag-swimming kahit may ECQ
SASAMPAHAN ng karagdagang reklamo ang beauty queen na si Maria Gigante at ang kanyang Spanish boyfriend na Javier Filosa Castro na nahuli noong Linggo na nagsu-swimming sa beach sa Moalboal, Cebu habang umiiral Ang enhanced community quarantine (ECQ).
Nakadetine sina Gigante, 26, at Castro, 35, sa isolation center sa Moalboal.
Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa ECQ at sa liquor ban makaraang masakote sa beach sa Brgy. Basdiot.
Inasunto rin sila ng disobedience to a person in authority kaugnay sa EO ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ukol sa ECQ.
Ngayong araw ay sinampahan sila ng kasong falsification of documents ng Patrol Partylist na itinangging binigyan nito ng certification si Castro para mamigay ng ayuda sa mga residente sa Moalboal.
Ang nasabing certification ang ginamit umano ng magkasintahan para makalusot sa mga checkpoint sa mga bayan patungong Moalboal.
“They presented isang fake certification from the Patrol Partylist. It was already denied by the partylist, hindi naman nila tao ‘yun. Pineke ‘yung kanilang pirma and hindi kilala ng partylist yung tao na yun,” Ani Col. Roderick Mariano, hepe ng Cebu Police Provincial Office.
Itinanggi rin ng partylist na miyembro nila si Castro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.