NAGBAGO ang ihip ng hangin, kung dala ng bagyong Ambo ay ewan. Kung dala ng naantig na damdamin ay puwede. Kung dala ng pusong Pinoy ay toong katangian iyan ng mahihirap, at di ng mayayaman, dahil ang mahihirap ay di mapagmataas dahil hindi naman nila abot ang pamumuhay na mataas at wala silang maipagyayabang. Noong […]
NAKATATAWA ang mga pahayag nina Florencio Abad at Ronald Llamas hinggil sa di mapasusubaliang pahayag ni Renato Corona na may mga “kumpare” siya sa loob mismo ng Malacanang. Ang kanilang mga reaksyon ay insulto sa kaisipang kritikal, o marapat lamang silang sumangguni kina Brooke Noel Moore at Richard Parker, para sa dagdag-kaalaman, o gising-kaisipan. Tapos […]
Di na nakagawa ni isa mang hakbang tungo sa pagkakasulong. —Jose Rizal, Ang Pulong sa Tribunal, Noli Me Tangere NAGANAP na ang pinangangambahan ng 18 malalaking kompanya sa Mindanao na nagbebenta ng saging sa labas ng bansa, lalo na sa China. Ayon kay Stephen Antig, pangulo ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association, 1,500 containers […]
BODEGA na nga ang Maynila. Ano ba ang bodega? Ang bodega ay imbakan, kung masigla ang ekonomiya at parating dumarating at inilalabas ang mga kalakal. Pero, kapag bagsak ang ekonomiya at mahina, o kundi’y naghihingalo sa kasalukuyang kalagayan, ang bodega ay madilim at mabaho. Ang madilim at mabahong bodega ay pinamumugaran ng lamok, daga’t ipis, […]
HINDI ka ba namumuhi at naiiyak din sa kasamaang laganap sa lipunan? Ano’ng maaaring gawin? –Simbahay 2010, Taon para sa mga Pari, Pagsasabuhay, Nob. 18, 2010 TAON 2010 pa lamang, ang taon na nagdiwang ang buong bansa dahil nagkaroon ng pangulong galit sa katiwalian, ay ipinahayag na ng Katolika Romano ang pagkadismaya nito sa laganap […]
NALILIITAN nga sila sa maliit. Ganyan naman talaga ang madalas mangyari. Kaya kung tapakan at gulpihin nila ang maliit na ale noon ay ganoon na lamang. Maliit na nga, tinawag pang pandak nang haribasin ni Panday. Hanggang ngayon nga, kung dikdikin ng malalaking lalaki ang may sakit na maliit na ale ay ganoon na lamang. […]
NAGKATAON na sumentro sa isang paksa ang mensahe ng Santo Papa at Pangulong Aquino: pag-asa. Para sa Santo Papa, pag-asa, na may kalakip na dasal at pagmumuni-muni mula sa mga pangaral ni Kristo ang ipinapayo at iniiwan niya sa milyun-milyong walang trabaho sa Europa. Kapag tinamaan ng kawalan ng trabaho ang Europa ay napakalaking suliranin […]
NAGKALAT sila ngayong Semana Santa, ang mga mangangaral. Walang kagatul-gatol ang pananalita, di nabubulol; tuwid na pagbigkas at tila walang sablay sa pagbanggit ng mga numero ng bersikulo at kapitulo. Sa kanilang pananalita ay nakatitiyak sila na sila lamang ang maliligtas at marami ang masisilaban sa apoy. Sa hagupit ng kanilang dila ay malulupit ang […]
I glimpsed a time when politics was a noble profession and my country was run by statesmen unlike the populists of today. —Leandro Leviste Legarda IYAN nga ang problema ngayon. Sikat, at napakasikat, ang mga lider. Tulad sa Middle East. Napakasikat ng mga lider doon. Deka-dekada at habambuhay na panunungkulan. Mararangyang pamumuhay ng taumbayan. Hanggang […]
KUNG walang minimina, walang langis, walang gasolina, walang krudo, walang liquefied petroleum gas. Ang mga ito ay likas-yaman mula sa pusod ng mundo. Dahil sa kanilang napakahalagang papel sa buhay, ekonomiya at daigdig, nagpa-patayan ang mga bansa. Gayunpaman, oras-oras na umaasa ang bansa sa mga fossil fuel na ito. Kung walang mina, walang computer dahil […]
MATINDI ang pagtutol ng mga maninigarilyo, hindi kasama ang Ikalawang Aquino, sa pagtaas ng presyo (bunsod ng nakaambang pagtaas ng mataas na buwis) ng dahong tabako. Meron ding pagkilos sa lehislatura para itaas ang presyo ng alak (dahil itataas din ang buwis nito). Para sa manananim ng tabako, magsasaka man o mga may-ari ng malalaking […]