John Roson Archives | Page 66 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 66 of 149 | Bandera

U.S. Marine nahulog sa warship; PH nagdeploy ng choppers, barko

NAG-deploy ang mga otoridad ng mga helicopter at barko para tumulong sa paghahanap sa isang U.S. Marine na nahulog habang dumadaan ang sinakyan niyang warship sa Sulu Sea. Pinayagan ng gobyerno na makapasok ang mga banyagang barko at sasakyang panghimpapawid na makapasok para magsagawa ng search and rescue operations, sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. […]

6 hepe sinibak sa Pangasinan

TINANGGAL sa tungkulin ang anim na hepe ng pulisya sa Pangasinan dahil sa umano’y mababang performance sa pagsugpo sa krimen. Inalis sa puwesto ang mga hepe ng pulisya sa Asingan, San Manuel, Sison, Sta. Maria, Balungao, at Aguilar nitong Miyerkules, at itinalaga bilang mga checkpoint officer, sabi ni Chief Supt. Romulo Sapitula, direktor ng Ilocos […]

4 dakip sa P1M shabu

ARESTADO ang apat katao nang makuhaan ng P1.02 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bacolod City, Miyerkules ng gabi. Isang araw lang bago ito, P1.44 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa Purok Ube, Brgy. 4, ng parehong lungsod. Sa pinakahuling operasyon, naaresto sina Pastor Palo, Renante Sonalan, Jesus […]

Damage ng 3 bagyo P3.8B na –NDRRMC

MAHIGIT P3.8 bilyon na ang halaga ng pinsalang naidulot ng mga pag-ulang dala ng habagat na pinalakas ng tatlong magkakasunod na bagyo noong nakaraang buwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Lampas na sa P3.064 bilyon ang halaga ng pinsalang naidulot sa agrikultura, at mahigit P755.5 milyon ang halaga ng pinsala […]

‘Inside job’ nasilip sa bank robbery; 2 sekyu kinasuhan

KINASUHAN ng pulisya ang dalawang security guard ng bangkong nilooban ng mga armadong nagpakilala bilang pulis sa Tuguegarao City, Cagayan, matapos makita ang posibilidad na may kinalaman sila sa nakawan. Ipinagharap ng kasong robbery ang chief security guard na si Angelo Liban at guwardiyang si Ace Mark Gunnacao, sa Tuguegarao City Prosecutor’s Office nitong Huwebes, […]

3 anak patay, 1 pa sugatan matapos pagsasaksakin ng kanilang tatay

NASAWI ang tatlong batang magkakapatid at isa pa ang nasugatan nang pagsasaksakin ng kanilang ama, sa kanilang bahay sa Samal Island, Davao del Norte, Huwebes ng gabi. Sugatan din ang suspek na si Joel Nonoy nang saksakin ang sarili matapos iyon, sabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police. Nasawi ang […]

FX bumagsak sa bahay

SUGATAN ang isang lalaki nang mahulog ang minaneho niyang FX sa isang bahay sa Baguio City, Huwebes ng gabi. Dinala sa ospital si Robert Gumiha, 41, isang driver ng DPWH, dahil sa tinamong pinsala sa tuhod, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente pasado alas-11, sa Purok 17, Dump Site, Brgy. Irisan. […]

6,700 pulis naparusahan

UMABOT sa 6,786 pulis, o mahigit 3.57 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga alagad ng batas, ang napatawan ng iba-ibang parusa nitong nakaraang dalawang taon, ayon sa National Police. Inilabas ng PNP ang bilang ng mga naparusahan sa gitna ng halos magkakasunod na pagkadakip, at minsa’y pagkakapatay pa, sa ilang alagad ng batas na nasangkot […]

‘Person of interest’ sa Basilan bombing dakma

DINAKIP ng mga otoridad sa Basilan ang isang lalaki, na tatanungin sana hinggil sa pambobomba sa Lamitan City, nang makuhaan ito ng granada, ayon sa militar Inimbitahan ng mga kawal si Indalin Jainul alyas “Abdulgani” para sa pagtatanong, ngunit itinurn-over siya sa pulisya nang makuhaan ng granada, ani Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed […]

2 sugatan sa Antipolo blast

DALAWANG tao ang nasugatan nang sumabog ang bombang tinanim ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Antipolo City, Rizal, Martes ng umaga. Nagtamo ng bahagyang pinsala ang mga sibilyang sina Jaime Cabanero, 38, at Ellaiza Acula, 23, na kapwa nakasakay sa isang tricycle, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police. […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending