ARESTADO ang apat katao nang makuhaan ng P1.02 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bacolod City, Miyerkules ng gabi.
Isang araw lang bago ito, P1.44 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa Purok Ube, Brgy. 4, ng parehong lungsod.
Sa pinakahuling operasyon, naaresto sina Pastor Palo, Renante Sonalan, Jesus Paurillo, at Jesus Rodriguez, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.
Isinagawa ng mga miyembro ng city police ang buy-bust dakong alas-8, sa Brgy. Singcang-Airport.
Nakuhaan ang mga suspek ng apat na mahabang sachet at 17 malaking sachet ng hinihinalang shabu, isang digital na timbangan, dalawang sling bag, at P2,000 marked money.
Umabot sa 85 gramo o P1.02 milyon ang halaga ng nakumpiskang shabu, ani Malong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.