Saging sa dingding nabili sa halagang P350-M, anong meron?

Saging sa dingding nabili sa halagang P350-M, anong meron?

Ervin Santiago - November 25, 2024 - 03:30 PM

Saging sa dingding nabili sa halagang P350-M, anong meron?

NAKAKALOKA! Knows n’yo ba na nabili ng isang negosyante sa halagang P350 million ang isang saging isang auction kamakailan.

Kung titingnan ay parang wala namang kakaiba o espesyal na katangian ang naturang saging na nakadikit sa isang piraso ng dingding.

Pero para sa Chinese cryptocurrency entrepreneur na si Justin Sun, isa itong katangi-tanging art work na kailangan niyang mabili at maiuwi.

In fairness, talagang pinagkaguluhan ang nasabing saging sa isang auction house sa New York nitong nagdaang November 20, 2024.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz ibinandera ang P50 swimsuit, sey ng netizens: ‘You look so expensive’

Base sa report, may pitong bidder ang nagpakita ng intensiyong mabili ang natatanging saging na nakadikit nga sa dingding na tinawag na “Comedian.”

Ito’y isang masterpiece mula sa Italian artist na si Maurizio Cattelan na nabili nga ni Justin Sun sa halagang $6.2 million o humigit-kumulang na P350 million.

Base sa interview ng foreign press  kay Sun, naniniwala siya na hindi lang basta saging ang naturang art work kundi isang “representation ng cultural phenomenon.”

“It represents a cultural phenomenon that bridges the worlds of art, memes, and the cryptocurrency community,” pahayag ni Sun.

Pero nabanggit ng negosyante na plano rin niyang kainin ang nabiling saging bilang parte ng kakaiba tinatawag niyang “artistic experience.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Additionally, in the coming days, I will personally eat the banana as part of this unique artistic experience, honoring its place in both art history and popular culture,” sabi pa ni Sun.

May kasamang certificate of authentication ang nabiling art piece ni Sun with matching instructions kung paano papalitan ang banana kapag ito’y nabulok o nalafang na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending