PINAKAWALAN ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) Biyernes kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang isang pulis na dinukot sa North Cotabato noong nakaraang taon. Pinalaya ng mga rebelde si Insp. Menardo Cui sa Sitio Apog Apog, Brgy. Panaka, bayan ng Magpet, dakong ala-1:45 ng hapon. Matapos iyo’y itinurnover ni […]
NASAWI ang isang lalaki, kanyang maybahay, at ang 2-anyos nilang anak nang masalpok ng van ang sinakyan nilang tricycle, sa Surigao City, nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Nakilala ang mga nasawi bilang sina Wilbert Gingo, 45; misis niyang si Marlina, 43; at anak nilang si Khean Mark, pawang mga residente ng Placer, Surigao del Norte, […]
NAPATAY ang isa umanong kasapi ng Maute-ISIS habang ilang gamit pandigma ang nasamsam nang magsagawa ng raid ang mga tropa ng pamahalaan sa Masiu, Lanao del Sur, Huwebes, ayon sa militar. Napatay ang isang Zainal Candidato nang magkapalitan ng putok sa kasagsagan ng operasyon, sabi ni Maj. Ronald Suscano, tagapagsalita ng Army 1st Infantry Division. […]
MAHIGIT 20 katao na ang naiulat na nasawi sa mga insidenteng dulot ng tatlong magkakasunod na sama ng panahon na nagdala ng matinding pag-ulan sa iba-ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa mga awtoridad Lunes. Isa ang nasawi sa landslide sa Bontoc, Mountain Province; may nalunod habang tumatawid sa ilog sa Guihulngan City, Negros […]
NASAWI ang magkapatid na batang babae’t lalaki habang sugatan ang kanilang ina, nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Barbaza, Antique, Linggo ng umaga. Dinala pa sa ospital sina Rosalia, 6, at Andrew Agapito, 3, matapos mahugot sa guho, ngunit kapwa di na umabot nang buhay, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng […]
WALO katao ang nasawi at 41 pa ang nasugatan nang sumalpok sa dalawang sports utility vehicle at tumambling ang isang malaking jeep na may sakay na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, bago mag-tanghali Miyerkules. Pito sa mga nasawi’y nakilala bilang sina Ernesto Genecan, 48; Linda Bawan, […]
NAOSPITAL ang limang sundalo matapos umanong malason sa kinain nilang kabute, sa Bucloc, Abra, ayon sa pulisya. Itinakbo sa Rural Health Unit (RHU) ng naturang bayan sina Sgt. Leo Lobrino Jr., 39; Cpl. Rence Molina, 40; Cpl. Peter Dela Cruz, 26; Pvt. Kenneth Cuello, 23; at Pvt. Aris Buensejo, 27, pawang mga miyembro ng Army […]
DI bababa sa apat katao ang nasugatan at ilang istruktura ang napinsala nang yanigin ng magnitude-5.1 na lindol ang Surigao del Norte, Huwebes ng madaling-araw, ayon sa mga otoridad. Nagtamo ng mga sugat sina Sabino Omas-as, 71; Jun Carl Hernandez, 26; Suzette Escobido, 39; at Ryan Cayetano, 25, pawang mga taga-Surigao City, kaya dinala sa […]
DINAKIP ng mga pulis ang dalawang lalaking hinihinalang may kinalaman sa pagpatay kay Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija, sa isang checkpoint sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga. Nadakip sina Florencio Suarez, 48; at Robert Gumacay, 35, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. […]
NAREKOBER ng sasakyan na umano’y ginamit ng mga armadong pumatay kay Vice Mayor Alex Lubigan ng Trece Martires City, Cavite, sa bayan ng Maragondon, Miyerkules ng umaga. Natagpuang abandonado ang kulay-metallic black/dark green na Toyota Hilux sa Mabacao-Pantihan Bridge, Brgy. Tulay B, alas-6:55, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police. Sinusuri pa […]
NASAWI ang bise alkalde ng Trece Martires City, Cavite, at kasama niyang lalaki nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin, Sabado ng hapon. Agad nasawi si Vice Mayor Alex Lubigan, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police. Isinugod naman ang kasama niyang si Romulo Guillemer sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, […]