NAOSPITAL ang limang sundalo matapos umanong malason sa kinain nilang kabute, sa Bucloc, Abra, ayon sa pulisya.
Itinakbo sa Rural Health Unit (RHU) ng naturang bayan sina Sgt. Leo Lobrino Jr., 39; Cpl. Rence Molina, 40; Cpl. Peter Dela Cruz, 26; Pvt. Kenneth Cuello, 23; at Pvt. Aris Buensejo, 27, pawang mga miyembro ng Army 24th Infantry Battalion, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.
Nagtungo sa RHU ang mga tauhan ng Bucloc Police nitong Lunes ng tanghali nang matunugan ang insidente, at nakumpirmang nilulunasan doon ang mga kawal.
Dumanas ng pananakit ng tiyan, sakit ng ulo, at pagtatae ang mga kawal matapos kumain ng mga kabuteng kanilang pinitas sa Sitio Tinoon, Brgy. Labaan, Bucloc, ayon sa ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.