Miyembro ng Maute-ISIS patay sa Lanao Sur | Bandera

Miyembro ng Maute-ISIS patay sa Lanao Sur

John Roson - July 26, 2018 - 05:55 PM

NAPATAY ang isa umanong kasapi ng Maute-ISIS habang ilang gamit pandigma ang nasamsam nang magsagawa ng raid ang mga tropa ng pamahalaan sa Masiu, Lanao del Sur, Huwebes, ayon sa militar.

Napatay ang isang Zainal Candidato nang magkapalitan ng putok sa kasagsagan ng operasyon, sabi ni Maj. Ronald Suscano, tagapagsalita ng Army 1st Infantry Division.

Narekober naman sa pinangyarihan ang tatlong M16 rifle, dalawang rocket-propelled grenade launcher, dalawang granada, mga bandila ng ISIS, anim na sachet ng hinihinalang shabu, sari-saring drug paraphernalia, at isang cellphone, aniya.

Sinalakay ng mga miyembro ng 49th Infantry Battalion ang kuta nina Panarigan Tama Baoraki alyas “Golden Boy” at Hadji Rasul Amimbering, dakong alas-9 ng umaga.

Bago ito’y inulat ng mga residente ang presensya ng mga terorista doon, ani Suscano.

Tumanggi si Suscano na ilahad kung saang bahagi ng Masiu ginawa ang raid, para umano sa seguridad ng mga impormante.

Sina Baoraki at Amimbering ay mga lider umano ng grupo, na nago-operate sa Lanao del Sur.

Habang palapit ang mga kawal sa target area ay sinalubong sila ng putok ng mga armado, ani Suscano.

Gumanti ang mga kawal, at tumagal nang 10 minuto ang palitan ng putok, aniya. Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga kawal.

Pinasalamatan ni Maj. Gen. Roseller Murillo, Joint Task Force Zampelan commander, ang mga residente sa pag-uulat sa presensya ng mga terorista.

“Preventing and countering violent extremism is a shared responsibility of all members of our society, but primarily of the people in communities where these terrorists seek to destroy the way of life,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending