BGYO JL may rebelasyon sa LGBTQ, maraming nanliligaw

BGYO JL may rebelasyon sa LGBTQ; Gelo parehong close kina Alexa, Bianca 

Ervin Santiago - July 08, 2026 - 12:35 AM
BGYO JL may rebelasyon sa LGBTQ; Gelo parehong close kina Alexa, Bianca 
BGYO

MARAMING nag-aakalang bading ang isa sa mga miyembro ng P-Pop group na BGYO na si JL o John Lloyd Toreliza.

Kaya naman isa ito sa mga naitanong sa kanya nang bumisita siya at iba pang member ng BGYO sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Inamin ni JL na marami siyang kaibigan at kakilala sa LGBTQIA+ community na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit naiisyu siyang beki.

“Sa akin, marami ang nagsasabi na mukha raw akong gay,” diretsong sey ni JL sa interview ng “FTWBA” last Monday, July 6.

“Marami po akong friends na gay. Like, volleyball player po ako so ang dami kong kasamang gays,” patuloy niya.

Sundot na tanong sa kanya ng King of Talk na si Tito Boy, kung may mga na-in love at nanliligaw bang bading sa kanya?

Tugon ni JL, “Marami po, like sinasabi nila na crush nila ako, so nakakatuwa siya kasi naa-appreciate ako. Yun po ang nakakatuwa, kapag nag-compliment sila.”

Kasama ni JL sa programa sina Gelo Rivera, Akira Morishita at Nate Porcalla at absent naman si Mikki Claver dahil masama raw ang pakiramdam.

Siniguro naman BGYO Gelo na wala siyang dyowa o karelasyon ngayon at friends lang daw sila ng mga aktres na nali-link sa kanya tulad nina Bianca de Vera at Alexa Ilacad.

Sey ni Gelo about Alexa, “Siguro ngayon, masasabi ko getting to know each other. Bina-value namin kung anong meron kaming partnership, friendship.

“Pero whatever happens, we just let it flow naturally,” paliwanag ng Kapamilya singer. “Meron din po kaming series na kasama ko rin po si Alexa.

“We’re friends po. Getting to know din po. Nakasama ko rin po siya before pa bago yung acting series namin. Very close naman po,” ani Gelo na ang tinutukoy ay ang vertical microdrama nilang “The Chambermaid’s Daughter.”

As for Bianca, sey ni Gelo, “I think nagsimula yan kasi noong may video kami na naglalakad together, pero we go out in groups. Magkaibigan po kami. 

“I think, masasabi ko, like yung koneksiyon namin was genuine naman and we’re really good friends po,” sabi pa niya.

Samantala, sinagot din ni BGYO JL ang chikang may mga fans daw ang BINI na hindi feel ang BGYO.

“Kanya-kanya naman po yan ng opinyon, like hindi naman po namin mapi-please lahat na gusto nila kaming mapagsama.

“Pero kami po talaga ng BINI, talagang sinusuportahan po namin ang bawat isa and talagang magkakaibigan kami. Magkakasama po kaming mag-training,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parehong nasa pangangalaga ng Star Magic ang BINI at BGYO.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending