MAHIGIT P3.8 bilyon na ang halaga ng pinsalang naidulot ng mga pag-ulang dala ng habagat na pinalakas ng tatlong magkakasunod na bagyo noong nakaraang buwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Lampas na sa P3.064 bilyon ang halaga ng pinsalang naidulot sa agrikultura, at mahigit P755.5 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura, ayon sa ulat na nilabas ng NDRRMC, Biyernes.
Mahigit P1.89 bilyon ang naitalang pinsala sa mga pananim, lalo na sa palay.
Hindi pa kasama sa kabuuang kuwenta ng damage ang halaga ng 5,050 bahay na nawasak at 4,859 bahagyang napinsala.
Matatandaang mahigit 2 milyon katao ang naapektuhan ng iba-ibang insidente, lalo na ang mga malawakang pagbaha at mga landslide sa Luzon at maging sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.