John Roson Archives | Page 65 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 65 of 149 | Bandera

Piyesta binomba: 2 patay, 37 sugatan

DALAWANG tao, kabilang ang isang batang lalaki, ang nasawi at di bababa sa 37 pa ang nasugatan nang sumabog ang improvised na bomba sa gitna ng piyesta sa Isulan, Sultan Kudarat, Martes ng gabi. Kinondena ng militar ang pambobomba na, ayon dito, ay maaaring gawa ng Abu Sayyaf o grupo ni Abu Turaife ng ISIS-inspired […]

5 paslit patay, 6 pa sugatan sa sunog sa Tondo

LIMANG batang magkakapatid ang nasawi at anim pa katao ang nasugatan nang lamunin ng apoy ang isang residential building sa Tondo, Manila, Lunes ng umaga. Nakilala ang mga nasawi bilang sina John Mike, 12; Michael, 7; Marcelo Nikko, 4; Mhiel Mikael, 3; at Michaella Geminiano, 1, ayon sa ulat ng Manila Police District Station 1. […]

4 patay kay ‘Luis’ sa Ilocos Norte, Benguet

APAT katao ang naiulat na nasawi sa mga insidenteng dulot pag-ulang dala ng habagat na pinalakas ng tropical depression “Luis,” sa Benguet at Ilocos Norte, ayon sa mga otoridad. Nasawi ang mag-asawang Florentino at Cristina Lagaten nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Tagpaya, Brgy. Madaymen, ng Kibungan, Benguet, Sabado ng umaga, ayon […]

Lalaki nakaligtas sa buwaya

BUHAY bagamat sugatan ang isang mangingisda matapos umanong sagpangin ng buwaya sa Bataraza, Palawan, ayon sa pulisya. Pinayagan nang makauwi si Toto Ibrahim, 28, matapos malunasan sa Rio Tuba Hospital, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi Sabado, sa ilog na nasa Brgy. Tabud. Namamana ng isda si […]

7 BIFF patay sa Maguindanao shelling –Army

PITONG kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang pinaniniwalaang napatay nang paputukan ng kanyon ng mga tropa ng pamahalaan ang umano’y kuta ng bandidong grupo sa Sultan Sa Barongis, Maguindanao, ayon sa militar Martes. “We are now validating the initial report of seven casualties among the bandits,” sabi ni Capt. Arvin Encinas, public affairs officer […]

Jeep, van nagsalpukan: 3 patay, 7 sugatan

TATLO katao ang nasawi at pito pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang jeepney at van sa Atimonan, Quezon, Huwebes ng gabi. Agad nasawi ang driver ng van na si Luisito Sarte nang maipit sa minaneho niyang sasakyan, ayon sa ulat ng Atimonan Police. Dead on arrival sa lokal na pagamutan ang sakay niyang si […]

15-anyos ni-rape, pinatay: 16-anyos, 1 pa dakip

DINAMPOT ng mga pulis ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo, para sa umano’y pagpatay at paghalay pa sa 15-anyos na dalagitang natagpuang lumulutang sa irrigation canal, sa Pulilan, Bulacan. Nadakip ang dalawa sa magkasunod na operasyon Miyerkules ng gabi, sabi ni Senir Supt. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police. Unang nadakip […]

7 rebelde patay sa engkuwentro

  PITONG umano’y kasapi ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo sa San Jose, Antique, Miyerkules ng madaling-araw. Nakilala ang anim sa mga napatay bilang sina Jason Talibo alyas “Bebe,” Karen Ceralvo, Felix Salditos, Jason Sanchez, Rene Yap, at Liezel Bandiola alyas “Mayang,” habang ang isang […]

Bebot tumakbo sa LQ, nahulog sa kanal

NAGSASAGAWA ng search and rescue operation ang mga otoridad para sa isang babaeng nahulog sa kanal at inanod ng tubig sa Tuba, Benguet, Lunes ng gabi, sa gitna ng pagtatalo niya at ng kinasama. Nakilala ang biktima bilang si Krystel Marlin, 19, tubong Eastern Visayas at naninirahan sa Bagui City, ayon sa ulat ng Cordillera […]

Puno nabuwal: 1 patay, 3 sugatan

NASAWI ang isang tricycle driver at tatlo pa ang nasugatan matapos mabagsakan ng punong nabuwal dahil sa malakas na hangin, sa San Pedro City, Laguna, Lunes ng gabi. Itinakbo pa sa ospital si Garner Arado, 22, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-7, sa […]

6 patay, 1 nawawala sa baha

ANIM katao na ang naiulat na nasawi at isa pa ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha na bunsod ng pag-ulang dala sa kalakhang Luzon ng habagat na pinalakas ng bagyong “Karding,” ayon sa mga otoridad, Lunes. Nalunod sina Dioscoro Camacho, 36, ng Marikina City, at Gloria Mendoza, 61, ng Quezon City, ayon sa National Disaster […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending