Remulla: Marcoleta suot ang wig sa police mugshot, hindi ipapahiya

HINDI kailangan magbago ang hitsura ni Sen. Rodante Marcoleta tuwing humaharap sa publiko sa pagkuha sa kanyang “mugshot.”
Ito ang tiniyak ni Interior Sec. Jonvic Remulla kasunod ng mga ispekulasyon na hindi siya papayagan na isuot ang kanyang wig o peluka sa kanyang “mugshot.”
“’Yung mugshot niya po ay lalabas sa ilang sandali lang, marami pa kasing pagdadaanan,” sey ng kalihim.
Baka Bet Mo: Jonvic Remulla sinigurong walang special treatment kay Curlee Discaya
Tiniyak pa ni Remulla na wala silang balak na ilagay sa kahihiyan ang sinuman.
“Kung ano man ho ang kanyang kalagayan sa kanyang buhok ay hindi ho namin wawalanghiyain,” wika pa ni Remulla.
Kinikilala din, anila, ang lahat ng karapatan ng senador na nahaharap sa kasong plunder o pandarambong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
