LABING-APAT katao ang nasawi at 25 pa ang nasugatan nang mahulog ang jeepney, na puno ng mga senior citizen, sa isang bangin sa Balbalan, Kalinga, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Kabilang sa mga nasawi sina Victorino Banglagan, Soledad Dammay, Eliza Amoga, Rosario Badong, Isabel Bagni, Agida Palangdao, at Lolita Latawan, ayon sa ulat ng […]
ISINAILALIM na sa pinakamataas na alerto ang punong-tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa inaasahang pagdaan ng bagyo, na maaaring maging “supertyphoon.” Bukod sa central office ay nagtaas na rin ng “red alert” ang Office of Civil Defense-Cordillera, sabi ni NDRRMC spokesman Edgar Posadas. Naka-blue alert pa Martes ang mga […]
ISINAILALIM ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ikalawang alerto Lunes, dalawang araw bago ang inaasahang pagpasok ng bagyo na maaaring maging super typhoon. Itinaas ang blue alert sa NDRRMC operations center alas-5 ng hapon para sa patuloy na pagsubaybay sa lagay ng panahon at paghahanda, ayon sa ahensiya. Inaasahang papasok sa […]
AABOT sa P65 milyon halaga ng mga piniratang CD at DVD ang nasamsam sa magkakasabay na inspeksyon at raid sa iba-ibang stall sa Davao City nitong Huwebes. Nakumpiska sa operasyon ang aabotsa 443 sako ng mga pekeng movie at soundtrack discs, sabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police. Sinalakay ng […]
NANINIWALA si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin na dumaan si Sen. Antonio Trillanes IV at iba pa, sa proseso ng pagkuha ng amnestiya. Ito’y sa kabila ng lumalabas na isyung di nag-apply para sa amnestiya si Trillanes, kaya binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa senador noong […]
NASAWI ang alkalde ng Ronda, Cebu, na kamakailan lang ay pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang “narco-list,” matapos pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa kanyang tanggapan sa munisipyo, Miyerkules ng madaling-araw. Dinala pa si Mayor Mariano Blanco sa ospital sa bayan ng Barili matapos matagpuang duhuan sa kanyang opisina, ngunit idineklarang patay ng doktor, sabi […]
INIUTOS ni acting Armed Forces chief of staff Lt. Gen. Salvador Mison ang pagbuo ng court martial na didinig sa kaso ni Sen. Antonio Trillanes IV. Ayon kay AFP spokesman Col. Edgard`Arevalo, muling sasailalim si Trillanes sa court martial dahil naibalik ang huli sa pagiging sundalo sa pamamagitan ng pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa […]
DALAWA ang nasawi at di bababa sa 12 pa ang nasugatan nang bombahin ang isang internet cafe sa Isulan, Sultan Kudarat, Linggo ng gabi, ang ikalawang pambobomba sa naturang bayan sa loob lang ng isang linggo. Nasawi sa pagsabog si John Mark Lupa, 18, at binawian ng buhay ang pinsan niyang si Marialyn, 15, Lunes […]
MAHIGIT P11.7 milyon halaga ng marijuana at shabu ang nasamsam at tatlo katao ang naaresto, sa magkakahiwalay na operasyon sa Kalinga at Baguio City, nitong nakaraang dalawang araw, ayon sa pulisya. Karamihan sa marijuana ay nasamsam nang salakayin ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang plantasyon sa Brgys. Buscalan at […]
UMAKYAT na sa tatlo ang biang ng nasawi sa pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat, noong Martes ng gabi. Kaugnay nito, nagpakalat ng mga sundalo sa naturang bayan para pigilan ang mga posible pang pambobomba. Naging tatlo ang nasawi nang bawian ng buhay si Welmark John Lapidez sa isang pagamutan sa General Santos City, Miyerkules ng […]