Marcoleta inunahan ang warrant of arrest, inaresto sa Sandiganbayan

INARESTO si Sen. Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan kasunod nang pagbasura sa kanyang mga mosyon kaugnay sa kinakaharap na kasong plunder o pandarambong.
Inisyu ng Sandiganbayan Third Division ang warrant of arrest laban kay Marcoleta, gayundin sa kanyang mga kapwa akusado na sina dating party-list Rep. Mike Defensor, Aristotle Viray, at Joseph Espiritu.
Nagtungo sa Sandiganbayan si Marcoleta para sa pagdinig sa mga inihain niyang mosyon na ibasura ang reklamo ng Office of the Ombudsman at para mapigilan ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
Kapwa naman ibinasura ang dalawang mosyon.
Baka Bet Mo: Ombudsman sa kaso ni Marcoleta: Let the facts and law decide!
Nang ipalabas ang arrest warrant, dumating na sa Sandiganbayan ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sinamahan si Marcoleta sa korte para pormal na ipaalam na naaresto na ito.
Nag-ugat ang kaso ni Marcoleta sa pagtanggap ng P75 million bilang donasyon sa kanyang kampanya sa pagka-senador bagamat nagsisilbi pa siyang mambabatas sa Kamara.
Hindi din ito idineklara ni Marcoleta sa isinumite niyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
