Trillanes, et al. dumaan sa proseso –Ex-DND Sec. Gazmin
NANINIWALA si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin na dumaan si Sen. Antonio Trillanes IV at iba pa, sa proseso ng pagkuha ng amnestiya.
Ito’y sa kabila ng lumalabas na isyung di nag-apply para sa amnestiya si Trillanes, kaya binawi ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa senador noong 2010.
“As far as I can remember, all those who were granted amnesty went thru the process,” sabi ni Gazmin, na nagsilbing defense secretary ni dating Pangulong Aquino noong iproseso ang amnestiya.
Si Gazmin din ang sinasabing nag-apruba sa mga aplikasyon ng amnestiya noong siya pa ang defense secretary.
“I am getting in touch with the ad hoc committee so that facts can be refreshed as these happened many years ago,” sabi pa ng dating kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.