Vice Ganda, Vic Sotto sanib-pwersa sa 'The Greatest Showdown'

Vice Ganda, Vic Sotto sanib-pwersa sa ‘The Greatest Showdown’: Nagtagpo na!

Ervin Santiago - July 06, 2026 - 02:39 AM
Vice Ganda, Vic Sotto sanib-pwersa sa 'The Greatest Showdown'
Vic Sotto, Vice Ganda at Jun Lana

CONFIRMED! Magsasanib-pwersa nga ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda at ang iconic TV host-comedian na si Vic Sotto.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa pelikula sina Vice at Bossing na pinaniniwalaang ilalaban sa 2026 Metro Manila Film Festival sa darating na December.

May titulong “The Greatest Showdown”, ang bonggang-bonggang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Jun Robles Lana, na siya ring nagdirek ng dalawang magkasunod na MMFF entry ni Vice, ang “Call Me Mother” at “And the Breadwinner Is…”.

Sa official announcement ng Star Cinema sa kanilang social media page tungkol sa pasabog na collab na ito, ay makikita rin ang teaser poster ng pelikula.

“Get ready for a movie event that brings everyone together through laughter!

“The Unkabogable Superstar Vice Ganda and our beloved Bossing Vic Sotto will finally share the big screen!” ang mababasa sa caption ng post.

Wala pang binanggit ang Star Cinema kung makakasali nga ito sa MMFF pero may nakalagay sa poster nito na “exclusively in cinemas this 2026!”

Ang “The Greatest Showdown” ay mula sa produksyon ng Star Cinema, ABS-CBN Studios, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions at APT Entertainment.

Kasunod ng post ng Star Cinema ay ang naganap na formal announcement para sa nasabing proyekto sa isang mall sa Quezon City kahapon, July 5. Dinaluhan ito nina Bossing at Vice.

Sabi ng “It’s Showtime” host, “Katulad ko, alam n’yo lahat din kayo inaantay itong pagkakataon na ‘to. Minsan lang ‘to mangyayari at gusto mangyari ‘to noon pa man. Sa ngayon, nagtagpo na kami.

“Hindi lang una at huling beses niyo kami makikita dahil mapapanood niyo kaming magkasama sa isang pelikula,” aniya pa.

Sey naman ni Bossing Vic, “Meron po kaming sorpresa para sa inyo lang. Salamat sa mga Dabarkads, sa lahat ng madlang people. Ito po ‘yun para sa inyo.”

“Noon pa nga kasunduan namin ni Vice na ang pelikulang ito ay magbibigay ligaya sa taong bayan. Alam niyo naman ang ating bansa ngayon, dumadaan sa mga pagsubok,” sey pa ng “Eat Bulaga” host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya kailangan natin ngumiti. Kailangan gumanda ang ating aura, kasingganda ni Vice Ganda. Kailangan naming magsanib-puwersa para ibigay ang kaligayahang kailangan ng mga Pilipino,” hirit pa ni Bossing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending