Piyesta binomba: 2 patay, 37 sugatan | Bandera

Piyesta binomba: 2 patay, 37 sugatan

John Roson - August 29, 2018 - 04:39 PM

DALAWANG tao, kabilang ang isang batang lalaki, ang nasawi at di bababa sa 37 pa ang nasugatan nang sumabog ang improvised na bomba sa gitna ng piyesta sa Isulan, Sultan Kudarat, Martes ng gabi.

Kinondena ng militar ang pambobomba na, ayon dito, ay maaaring gawa ng Abu Sayyaf o grupo ni Abu Turaife ng ISIS-inspired na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

“The likelihood na Abu Sayyaf o kaya Daulah Islamiyah Turaife group is very high,” sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Army 6th Infantry Division.

Naganap ang pagsabog dakong alas-8:45 sa bahagi ng National Highway na nasa Brgy. Calauag 3.

“Ongoing ‘yung festival nila na Hamungaya… doon sa area ‘yung market nila, ‘yung ukay-ukay, so marami talagang tao,” sabi ni Supt. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police, sa Bandera.

Nasawi sa pagsabog sina Devey Shane Alayon, 7, at Leni Ombrog, 52, aniya.

Kabilang naman sa mga sugatan ang isang Msgt. Capilitan at Sgt. Timjar Hambali, kapwa ng Army 33rd Infantry Battalion, militiaman na si Nikki John Peramil, at sibilyang si Welmark John Lapidez, na nagtamo ng matinding pinsala.

“Malapit itong explosion sa ukay-ukayan.. ‘Yung IED, nilagay sa baba ng single motorcycle, sa ilalim,” ani Gonzales, sabay dagdag na inaalam pa kung anong uri ng pampasabog ang sumambulat.

Sa isang kalatas, sinabi ng Armed Forces na naniniwala itong BIFF ang nasa likod ng pambobomba.

“We believe that the terrorist group BIFF is the primary suspect behind this atrocity. They are the ones who have the strongest evil desire to initiate these kinds of attacks that victimize innocent civilians and disrupt peace.”

Ayon naman kay Gonzales, patuloy pa ang imbestigasyon para malaman kung sino o anong grupo ang may gawa ng pinakahuling pambobomba sa rehiyon.

Inamin niya na bago pa iyo’y nakatatanggap na ang pulisya ng intelligence reports na mabobomba ang mga kilalang threat group, bagamat di nababanggit kung saan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Itong rumors, info, intel reports, constant naman. Laging nagkakaroon ng intel report na magpapasabog sila, pero di binibigay ang specific na lugar. Sa reports, ‘yung mga identified na groups dito, BIFF, NPA, ganyan, pero sa ngayon tinitingnan pa kung sino talaga ang gumawa dito sa Isulan,” anang regional police spokesman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending