'Person of interest' sa Basilan bombing dakma | Bandera

‘Person of interest’ sa Basilan bombing dakma

John Roson - August 02, 2018 - 07:09 PM

DINAKIP ng mga otoridad sa Basilan ang isang lalaki, na tatanungin sana hinggil sa pambobomba sa Lamitan City, nang makuhaan ito ng granada, ayon sa militar

Inimbitahan ng mga kawal si Indalin Jainul alyas “Abdulgani” para sa pagtatanong, ngunit itinurn-over siya sa pulisya nang makuhaan ng granada, ani Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.
“Kakausapin lang sana siya ng tropa pero nakuhanan siya ng granada kaya dinala siya sa pulis,” sabi ni Besana sa text message. “Hindi pa po natin masabi na dahil sa bombing naaresto,” aniya pa.
Ayon kay Besana, pinigil ng mga miyembro ng Army 3rd Scout Ranger Battalion si Jainul sa Tinambakan, Brgy. Maganda, noong Martes ng gabi, ilang oras matapos ang pambobomba, at dinala sa pulisya Miyerkules.
“Kilala naman ito sa area na may possible link or probably have facilitated… ‘yung paglo-launch ng bombing, pero not necessarily na involved talaga,” sabi ni Besana sa mga reporter.
“[These are still] speculations. But there is a high probability, kaya person of interest siya. But to be fair, i-investigate pa muna,” aniya pa.
Si Jainul, 58, ay isa umanong ustadz o Islamic scholar.
Matatandaang 11 katao ang nasawi at di bababa sa walo ang nasugatan sa pambobombang naganap sa isang military checkpoint sa Lamitan noong Martes ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending