3 anak patay, 1 pa sugatan matapos pagsasaksakin ng kanilang tatay | Bandera

3 anak patay, 1 pa sugatan matapos pagsasaksakin ng kanilang tatay

John Roson - August 03, 2018 - 04:03 PM

NASAWI ang tatlong batang magkakapatid at isa pa ang nasugatan nang pagsasaksakin ng kanilang ama, sa kanilang bahay sa Samal Island, Davao del Norte, Huwebes ng gabi.

Sugatan din ang suspek na si Joel Nonoy nang saksakin ang sarili matapos iyon, sabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police.

Nasawi ang mga anak niyang sina RJ, 13; Cyrus, 11; at Aira Nicole, 7. Buhay ang 4-anyos nilang kapatid na babae at ngayo’y nilulunasan sa isang ospital sa Davao City, ani Driz.

Naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi, habang natutulog ang mga bata sa kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. San Isidro, Babak district.

Nakatagpo ng dalawang kutsilyo na may mga bakas ng dugo, sa tabi ng suspek at mga biktima.

Problema sa pamilya ang tinitingnan ngayon na maaaring nagtulak kay Joel, isang karpintero, na pagsasaksakin ang mga anak at kanyang sarili.

“Allegedly, the suspect and his wife had marital problems wherein his wife abandoned them,” ani Driz, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Nilulunasan ngayon si Joel sa isang lokal na pagamutan, kung saan siya binabantayan ng mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending