Janine, Gabbi, Jake sanib-pwersa bilang host ng 7th EDDYS

Janine, Gabbi, Jake sanib-pwersa bilang host ng 7th EDDYS sa July 7

Ervin Santiago - June 24, 2024 - 07:00 AM

Janine, Gabbi, Jake sanib-pwersa bilang host ng 7th EDDYS sa July 7

Gabbi Garcia, Janine Gutierrez at Jake Ejercito

ASAHANG mas magniningning pa ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong 2024.

‘Yan ay dahil sa tatlong celebrities na magsisilbing host ng ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Baka Bet Mo: 7th EDDYS awards night sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

Una na riyan ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janine Gutierrez (@janinegutierrez)


Nagmarka si Janine sa ABS-CBN series na “Dirty Linen” at inaasahang gagawa uli ng kasaysayan sa upcoming Kapamilya serye na “Lavender Fields.”

Umani ng papuri si Gabbi Garcia sa pagiging host ng Miss Universe Philippines 2024 last month na bibida uli sa “Encantadia Chronicles” ng GMA 7 ngayong taon.

Pinag-usapan naman si Jake Ejercito sa top-rating series ng ABS-CBN na “Linlang” at “Can’t Buy Me Love”. Pinuri rin siya sa blockbuster film na “A Very Good Girl” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); “Firefly” (GMA Pictures, GMA Public Affairs); “GomBurZa” (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); “Iti Mapukpukaw” (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari” (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

Baka Bet Mo: The EDDYS ng SPEEd kikilalanin ang Box-Office Heroes

Magpapatalbugan sa pagka-best actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

Ang 7th The EDDYS ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Mapapanood ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10 p.m. Ito’y muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon  ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending