Ogie Diaz nilinaw na walang galit kay Janine Gutierrez

Ogie Diaz nilinaw na walang galit kay Janine Gutierrez

Therese Arceo |April 03,2024
facebook
share this

Ogie Diaz nilinaw na walang galit kay Janine Gutierrez

Therese Arceo - April 03, 2024 - 11:54 PM

Ogie Diaz nilinaw na walang galit kay Janine Gutierrez

NILINAW ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz na wala siyang galit sa Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Sa latest episode ng kanyang vlog na “Showbiz Update” ay kinlaro niya na hindi niya tinitira o wala siyang galit sa aktres.

Marami raw kasi sa fans ng dalaga ang nagsasabi na baka may sama ng loob si Ogie dahil madalas noyang napupuri ang tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.

“Nagre-react ‘yong mga fans ni Janine Gutierrez. Bakit daw parang galit ako, or may sama ako ng loob, or parang ayaw ko si Janine.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz diniretsa si Kim Rodriguez: Ano ang totoo rito?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ganyan. Kasi nga, inamin ko raw na KimPau fan ako,” panimula ni Ogie.

Aniya, ibinabalita lang naman nila kung ano ang napapansin nila.

Lahad ni Ogie, “Hindi namin tinitira dito si Janine. Binabalita lang namin dito. Alam n’yo, ito ang gusto kong sabihin sa inyo, ha, walang makakaawat sa akin.

“Syempre, hindi n’yo naman kami pwedeng diktahan kung anong gusto naming sabihin; gawin naming opinyon dito.”

Gets naman daw ni Ogie na minsan ay hindi talaga magugustuhan ng ilan ang kanilang iniispluk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Syempre, may mga pagkakataon na hindi n’yo magugustuhan ‘yong mga binabalita namin. Lalo na kung sobra kayong fanatic sa isang celebrity,” hirit pa niya.

Dagdag pa niya, sa kani-kanilang social media account na lang sila maglabas ng kanilang mga opinyon at pahayag.

Kamakailan ay naibahagi nila Ogie sa “Showbiz Update” na tila hindi muna bet ni Janine Gutierrez ang maka-work si Paulo base sa nakarating sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending