Janine Gutierrez sa kanyang Yaya Pat: We owe you everything

Janine Gutierrez sa kanyang Yaya Pat: We owe you everything

Therese Arceo |February 21,2024
facebook
share this

Janine Gutierrez sa kanyang Yaya Pat: We owe you everything

Therese Arceo - February 21, 2024 - 04:49 PM

Janine Gutierrez sa kanyang Yaya Pat: We owe you everything
ISANG madamdaming mensahe ang inialay ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez para sa kanyang Yaya Pat.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay ibinandera niya ang kanyang birthday greeting sa kinalakihang yaya na ngayon ay nagse-celebrate ng ika-7pth birthday.

“The heart of our family [heart emoji] Happy happy 70th birthday, yaya pat!!”pagbati ni Janine.

Kuwento ni Janine, bago pa man siya ipanganak hanggang sa ngayong malalaki na sila ay kasama na ng kanilang pamilya ang kanilang yaya.

“We wouldn’t be who we are today if not for you. Kaya lang naman ako naglakas-loob na sumubok mag-artista, dahil at para naman talaga sayo,” lahad pa ni Janine.

Aniya, hindi niya mapapantayan ang mga sakripisyo at mga bagay na itinuro nito sa kanilang magkakapatid.

Baka Bet Mo: Enrique Gil inaasar kay Janine Gutierrez ng netizens, may chemistry?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey pa ni Janine, “Kahit alam ko na hindi ko mapapantayan lahat ng ibinigay, itinuro, sinakripisyo at ginawa mo para sa aming magkakapatid at kina mama at papa, sana alam mo na patuloy kong susubukang tapatan ito.

“I love you so much and we owe you everything. HAPPY BIRTHDAY YA!!”

Kalakip ng pagbati ni Janine ang mga larawan at video nila ni Yaya Pat mula noong bata siya hanggang sa kanilang selebrasyon sa isang restaurant.

Maging ang ilang netizens at followers ng Kapamilya actress ay nagpaabot ng kanilang pagbati kay Yaya Pat at sinabing swerte ang mga ito sa isa’t isa.

“Happy Birthday, Yaya Pat! Nung una po kitang na meet, kinwento mo agad yung pag palaki mo kay Nini [Janine]. You and your story feels so humbling po. Always take care po, Yaya Pat!” saad ng malapit sa aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Happy birthday yaya pat bihira na ngayon makakita nang ganyan. ang swerte nyo pareho kaiyak yung msg.”

“I must say she’s very lucky to work with your family at the same time ,your very lucky to have her,” sey pa ng isa sa post ni Janine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending