Enrique Gil inaasar kay Janine ng netizens, may chemistry?

Enrique Gil inaasar kay Janine Gutierrez ng netizens, may chemistry?

Therese Arceo |February 15,2024
facebook
share this

Enrique Gil inaasar kay Janine Gutierrez ng netizens, may chemistry?

Therese Arceo - February 15, 2024 - 07:15 AM

Enrique Gil inaasar kay Janine Gutierrez ng mga netizens, may chemistry?

USAP-USAPAN ngayon ang Kapamilya stars na sina Enrique Gil at Janine Gutierrez matapos ang kanilang naging encounter sa “ASAP Natin ‘To”.

Nitong Linggo, February 11, muling nagbalik sa dance floor ang aktor kung saan sumayaw siya ng “Teach Me How to Dougie”.

Matapos ang dance performance ni Enrique ay in-interview siya nina Janine Gutierrez st Erik Santos para i-promote at imbitahan ang madlng pipol para sa kanyang comeback movie na “I Am Not Big Bird” kasama ang kanyang co-star na si Red Ollero.

Nang matapos ang kanyang pagpo-promote sa pelikula ay nabaling ang atensyon ng aktor kay Janine upang magpasalamat.

Hindi na napigilan ni Enrique ang purihin ang dalaga dahil sa taglay nitong kagandahan.

Bagamat hindi narinig nang maigi sa mic kung ano ang sinabi ng aktor, marami ang nag-assume na ang sinabi niya ay “You are so gorgeous, grabe!”

Baka Bet Mo: Enrique Gil naghahanap nga ba ng bagong pag-ibig?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagpasalamat naman si Janine sa compliment na sinabi sa kanya ni Enrique.

Hindi naman nakatakas sa madlang netizens na tila may spark ang dalawa at may chemistry together kahit na saglit lang silang nagkasama.

“Grabe ‘yung tingin ni Enrique kay Janine!!! Jusko nabulol pa tuloy si Janine hahaha naramdaman ko yung kaba niya,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ngayon lang ako kinilih na iba ang kasama ni Janine bukod kay Paulo pero ngayon grabi kilig ko bagay sila pagsamahin sa teleserye o movies. Pareho naman magaling.”

“Enrique finds Janine gorgeous. In fairness, they also have chemistry,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga netizens na todo ship sa dalawa dahil naniniwala silang hiwalay na talaga ang LizQuen at nakikitang may chance ang dalawa dahil sa maiksing oagkakataon ay may chemistry at spark na ang dalawa.

Pero sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung single na nga ba si Enrique dahil base sa kanyang statements sa recent interviews ay ok sila ni Liza.

Aniya, sa ngayon ay masaya siya sa kanya-kanyang achievement nilang dalawa at ang focus nila ngayon ay ang kani-kanilang individual careers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending