7th EDDYS awards night sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV

7th EDDYS awards night sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 08:10 AM

7th EDDYS awards night sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

MAS maningning at kaabang-abang ang  7th The EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024.

Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10 p.m.

Baka Bet Mo: Herlene Budol umaming naging ’cause of delay’ sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Dahil po kasi yun sa transport strike sa Angono’

Ito’y muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Siya rin ang nagdirek sa ika-6 edisyon ng The EDDYS nitong nagdaang taon.


Ang Brightlight Productions ang magsisilbing line producer ng awards night sa July 7, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon  ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2023.

Baka Bet Mo: Coleen, Billy nakalimutan ang 7th anniversary: We go all out on a regular and I love it!

Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.

Una na nga riyan ang posthumous award para sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.


Ang Movie Icon Awards naman ngayong 2024 ay ibibigay kina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon at patuloy na paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng bawat pelikulang Pilipino.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Pararangalan din sa awards night ang Rising Producer of the Year.

Bilang pagkilala naman sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award din ang ibibigay sa gabi ng parangal – ang The EDDYS Box Office Heroes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Igagawad ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.

Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas sa pangunguna ng presidente na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending