SPEEd, Globe solid pa rin ang partnership para sa 7th The EDDYS

SPEEd, Globe solid pa rin ang partnership para sa 7th The EDDYS

Ervin Santiago - May 20, 2024 - 10:58 AM

SPEEd, Globe solid pa rin ang partnership para sa 7th The EDDYS

TULUY-TULOY pa rin ang kolaborasyon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Globe para sa taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS.

Ngayong 2024, muling magsasanib-pwersa ang SPEEd at leading telecom sa bansa Globe para sa 7th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin ngayong darating na Hulyo.

Inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikapitong edisyon ng pagbibigay parangal at pagkilala ng SPEEd sa mga natatangi, de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2023 kasabay ng pagdagdag nila ng ibang special award.

Baka Bet Mo: The EDDYS ng SPEEd kikilalanin ang Box-Office Heroes

Ayon kay Miss Yoly C. Crisanto, ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng naturang telecom company, isa ito sa mga paraan nila upang mas maisulong pa ang kanilang adbokasiya upang makatulong sa tuluyang pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Sabi naman ni Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, presidente ng organisasyon ng mga entertainment editor ng leading broadsheet, websites, portals and tabloids na mas pagtitibayin ng partnership na ito ang adhikain ng SPEEd na hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

Idagdag pa riyan ang kampanya laban sa digital movie piracy.

Ang Globe ay kinilala ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa hindi matatawarang pangako nito sa pangangalaga sa mga intellectual property at paglaban sa digital piracy.

Samantala, Kamakailan naman ay kinumpirma rin ng SPEEd na ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang gagawa ng tropeo para sa The EDDYS ngayong taon.

Bukod sa pagiging versatile actor sa mundo ng showbiz, isa ring magaling na iskultur o wood carver si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna.

Baka Bet Mo: 6th The EDDYS ng SPEEd tuloy ang pagbibigay parangal sa Okt. 22; awards night ididirek ni Eric Quizon

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahen ng Panginoong Hesukristo, ni Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-worldclass ang kalidad at pang-export.


Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas.

Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging design nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang award-giving body sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling nito bago ang pinakaaabangang awards night sa darating na Hulyo, 2024.

Nauna rito, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending