Niño sa pamba-bash sa amang may dyowang 30-anyos: Puro nega

Niño sa pamba-bash sa amang may dyowang 30-anyos: Puro kanegahan!

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 12:05 AM

Niño sa pamba-bash sa amang may dyowang 30-anyos: Puro kanegahan!

Niño Muhlach, Coco Martin, Ivana Alawi, Nikko Natividad at Boy Abunda

UMALMA ang aktor na si Niño Muhlach sa ginagawang pambabatikos ng mga netizens sa kanyang tatay na si Alex Muhlach.

Ito’y matapos lumabas ang balita na ang mahigit 80 years old niyang ama ay may karelasyong 30-anyos na girlalu at marami nga ang nam-bash kay Alex Muhlach dahil dito.

Kung anu-anong foul words ang ibinabato ng mga haters sa social media sa tatay ni Niño kaya naman napilitan na ang dating child wonder na magsalita at ipagtanggol ang ama.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa mga nagbabanta kay MTRCB Chair Lala Sotto: Huwad ang katapangan n’yo

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post si Niño ng kanyang  mensahe para sa lahat ng mga nang-ookray sa tatay niya nang dahil sa pagkakaroon ng batang dyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)


“Dear bashers… di ba kayo natutuwa na may 2 tao na nagmamahalan? Kami nga mga kamaganak eh natutuwa para sa kanila eh.

“Di naman kayo apektado di ba? Good vibes lang! Nakaka depress at malas sa buhay when u talk bad about other people u dont know,” ang bahagi ng FB post ni Niño.

Aniya pa, “Be happy guys! Isa pa hindi naman namin magagawa ung alagang ginagawa nya sa Daddy ko eh.

Baka Bet Mo: Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na!

“This is the happiest I have seen my dad. Bigat sa buhay pag puro ka negahan!” sey pa ni Niño.

Sa isang panayam, nabanggit ni Alex Muhlach na 10 years nang tumatagal ang relasyon nila ng kanyang partner at wala raw siyang nakikitang problema kahit 52 years ang agwat ng kanilang edad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)


Sabi pa Niño sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda”, napakalaki ng utang na loob niya sa ama, “Sobrang suwerte ko lang po sa daddy ko talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama ‘yung ginawa ng daddy ko na inilagay sa trust fund and whichever comes first a college degree or 25 years old that’s the only time you get your money. Pero ako nung 25 ako hindi ko pa rin kinuha,” pahayag pa Niño na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending