JK Labajo awang-awa sa umiiyak na sanggol habang nagko-concert
UMANI ng 100% pogi points ang singer-actor na si Juan Karlos o JK Labajo mula sa madlang pipol matapos magpakita ng concern sa isang 2-month-old baby.
Nangyari ito sa isa niyang show kung saan kinarga at pinatahan niya ang naturang sanggol na iyak nang iyak habang siya’y nagpe-perform.
Base sa viral Facebook post ng isang netizen na may handle name na LifeofEs, tumigil muna sandali si JK para pakalmahin ang sanggol na nasa audience.
Baka Bet Mo: JK Labajo hinding-hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘I don’t want to work with him’
Ang nakalagay na caption sa nasabing FB post ay, “JK Mas nag worry pa sa 2 months old na Baby kaysa sa sariling magulang ng bata.
“Huwag nating i-sacrifice ang kaligtasan ng anak natin kaysa sa panandalian nating kaligayahan,” ang nakasaad pa sa text caption.
Maririnig sa viral video ang naging mensahe at pakiusap ni Juan Karlos sa taong nagdala sa bata sa kanyang gig kung saan nag-alala nga ang binata na baka maapektuhan ang pandinig ng sanggol dahil sa lakas ng sounds sa venue.
Bukod pa rito ang pagpaparinig sa bata ng mga foul words sa bagong kanta niyang “Ere” mula sa album na “Sad Songs and Bullshit Part 1”.
“Two months? Ba’t mo pinaparinig ng ERE yung bata? Two months pa lang. Maaga. Wag,” ang sabi ni JK sa may dala ng sanggol.
Tanong pa ng singer-songwriter, “Wala bang ear muffs si baby? Umiiyak na si baby o okay lang ba iyan? Umiiyak. Kawawa naman yung bata.”
Paliwanag pa ng binata sa audience habang karga ang sanggol, “So yung mga bata, especially mga one year old and below, super sensitive pa yung mga tenga nila.
“Sino ba meron diyang headphones or something? Headphones na di naka-on, something na ganu’n.
Baka Bet Mo: JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan…
“Maraming salamat sa suporta, pero please, alagaan niyo si baby,” aniya pa.
View this post on Instagram
Hinangaan naman ng mga netizens ang pagpapakita ni JK ng pag-aalala sa safety ng sanggol. Marami ang nagsabi na feeling nila magiging mabuti at responsableng tatay ang aktor kapag nagkaroon na siya ng baby.
“Hanga ako sa kanya… di baling mahinto performance niya… basta mabigyang concern niya yong BB… he is a good heart… and he will be a good father im sure.”
“He knows better than a real parent altho he’s still single..he’ll be a good father.”
“Bobo nang nanay.. kung tutuusin bawal pa ilabas ang ganyan eh. lalo na at concert ang pupuntahan. gabi na. haysss di nag iisip.”
“Hanga ako sa kanya….di baling mahinto performance nya…basta mabigyang concern nya yong BB….he is a good heart…and he will be good father im sure.”
“Nakakagigil kang NANAY KA! MAS INUNA PO PA SARILING KAGUSTUHAN MO KESA ANAK MO!”
“He knows better than a real parent altho he’s still single..he’ll be a good father.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.