Lovely Abella nakalabas na ng ospital matapos operahan dahil sa impeksyon sa panganganak, hindi pa pwedeng magpadede | Bandera

Lovely Abella nakalabas na ng ospital matapos operahan dahil sa impeksyon sa panganganak, hindi pa pwedeng magpadede

Ervin Santiago |September 27,2023
facebook
share this

Lovely Abella nakalabas na ng ospital matapos operahan dahil sa impeksyon sa panganganak, hindi pa pwedeng magpadede

Ervin Santiago - September 27, 2023 - 07:12 AM

Lovely Abella nakalabas na ng ospital matapos operahan dahil sa impeksyon sa panganganak, hindi pa pwedeng magpadede

Lovely Abella at Baby Liam

NAGBIGAY ng update ang Kapuso actress-entrepreneur na si Lovely Abella tungkol sa kundisyon niya ngayon matapos manganak sa first baby nila ng asawang si Benj Manalo.

Ayon kay Lovely, nakalabas na siya ng ospital after sumailalim sa isang surgery dahil sa naranasang impeksyon mula sa kanyang panganganak.

Sabi ng wifey ni Benj, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil kasama na niya ang bagong silang niyang sanggol na si Baby Liam. Pero ang ikinalulungkot naman niya ngayon ay ang sinabi ng doktor na hindi pa niya pwedeng mapadede ang anak.

“‘Di pa ako makakapag breastfeed hanggang Oct. 1 dahil matatapang po ang mga gamot ko,” ani Lovely sa kanyang Instagram post.

Buti raw at pinayagan siya ng mga doktor na umuwi na sa kanilang bahay at doon na ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling. Nagpagpasalamat din siya sa mga nagdo-donate ng gatas para kay Baby Liam.

“Kamusta na daw ako after ng surgery ko dahil sa Infection after manganak? Nakauwi na po ako.

“After three days pumayag ang mga doctors ko dahil nagkaka post partum depression na ata ako, dahil ‘pag patay ang ilaw sa hospital naninikip ang dibdib ko at bigla akong umiiyak ng malakas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nagpapagaling na lang po ako. Lalo na ngayon kasama ko na ang Pamilya ko lalo na mga Anak ko.

Baka Bet Mo: Benj Manalo sa pagkakasilang ng miracle baby nila ni Lovely Abella: Mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay

“Kaya natin lahat pero ang mawalay sa pamilya ang isa sa pinaka masaklap na pangyayari na minsan kailangan nating harapin,” ayon pa kay Lovely.

Sabi pa ng aktres, “Pero tulad ng lagi kung sinasabi may plano si Lord sa atin kung ano man yun, hindi natin alam basta manalig at higpitan lang natin ang pagkapit natin sa knya, dahil walang magulang na ipapahamak ang anak  at ang dami naming natutunan sa sitwasyon namin ngayon.

“Muli maraming salamat sa mga nagdonate ng milk, di pa ako makakapag breastfeed hanggang Oct. 1 dahil matatapang po ang mga gamot ko, kaya salamat po sa mga milk stash ninyo,” dugtong pa niya.

Nauna nga rito ay ibinahagi ni Lovely ang nakuhang impeksyon matapos manganak, “Bawat Pamilya ay may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay!

“Isa na po kami dito, maraming nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari kaya para isahan na lang sasagutin ko po dito, napakasakit sa pamilya namin ang mga nangyayari, lalo na sa akin.

“After 4 days nagkaroon ako ng infection at need ko isurgery ulit mas malala pa nung nanganak ako ng normal, kung tatanungin niyo ako paano nangyari, saan nanggaling, bakit nagkaroon ako ang sagot ko lang po ay walang may gusto na mangyari ang lahat ng to,” pagbabahagi pa ni Lovely.

Lovely Abella naimpeksyon matapos manganak, muling naospital para magpaopera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera: Lagi kang kasama sa dasal ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending