Benj Manalo sa pagkakasilang ng miracle baby nila ni Lovely Abella: Mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay | Bandera

Benj Manalo sa pagkakasilang ng miracle baby nila ni Lovely Abella: Mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay

Therese Arceo - September 19, 2023 - 04:38 PM

Benj Manalo sa pagkakasilang ng miracle baby nila ni Lovely Abella: Mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay
SUPER grateful ang aktor na si Benj Manalo sa pagdating sa kanyang buhay ng kanilang miracle baby ng asawang si Lovely Abella.

Sa kanyang recent Facebook post ay ibinahagi niya kung gaano siya kaemosyonal nang ipagkaloob ng Panginoon ang panibagong blessing sa kanilang pamilya.

“Sept 15, 2023 8:08pm my life has changed and Im so happy. Thank you Lord God!” panimula ni Benj.

Aniya, noong nagsimula ang relasyon nila ni Lovely noong 2015 ay nagbago ang buhay niya ngunit hindi niya inakala na may ipagbabago pa ito at mas magiging masaya pa.

“Kala ko dati okay na kami sa 2 naming anak, pero ngayon naging 3 na sila, grabe hindi ko ma explain ang saya sa puso ko at lagi lang ako nagpapasalamat kay Lord na binago niya ang buhay ko. Parang lahat nalang ngayon iniiyakan ko sa saya,” pagpapatuloy ni Bej.

Nabanggit rin niya na nasaksihan niya ang pregnancy journey ni Lovely mula nang unang buwan hanggang sa manganak ito.

“Sabi ko gusto ko lagi akong nandun. I wanna be present as a father and as a husband. Nung mga oras na manganganak na asawa ko, mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay. Naisip ko, wala akong karapatan mag reklamo na pagod ako kasi sila nga grabe ang pinag dadaanan pero laban,” lahad ni Benj.

Mas tumaas pa ang tingin nito sa asawa dahil sa mga hirap at sakripisyo na ginawa nito para sa anak.

Baka Bet Mo: Lovely Abella isinilang na ang ‘miracle baby’ nila ni Benj Manalo: ‘Sa lahat po ng hirap na pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sabi pa ni Benj, “Mas naging idol ko ang asawa ko at mas lalo ko siya pinahalagahan. Sabi ko nga kay Lord, thank you at binuksan mo ang bagong lente ko sa buhay on how i see life nanaman in a different perspective, sabi ko bigyan niya ako ng lakas at wisdom thru His word sa bible para maging mabuting tatay at asawa ako. Hay ang sarap sa puso.”

Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa asawa sa pagiging malakas nito at pagbibigay inspirasyon sa kanilang pamilya.

“To my wife @lovelyabella_ thank you so much! You are indeed a super mom! Thank you for being strong and inspirational to me and our family. I love you so much!” mensahe ni Benj sa asawa.

Sey naman niya sa kanilang miracle baby, “To my baby prince Liam Emmanuel, daddy will always be here for you, to love, teach, play, be your best friend and to protect you at all cost. Thank you for coming into our lives. Papa, mama, ate and kuya loves you so much! We cant wait to create memories with you by baby boy! Love you!”

Hirit pa nito, “Praise God for today and everyday! @manalofamily__ #manalofamily #benly”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives…we’re saved by God!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending