Lovely Abella isinilang na ang 'miracle baby' nila ni Benj Manalo: 'Sa lahat po ng hirap na pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda' | Bandera

Lovely Abella isinilang na ang ‘miracle baby’ nila ni Benj Manalo: ‘Sa lahat po ng hirap na pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 12:06 PM

Lovely Abella isinilang na ang 'miracle baby' nila ni Benj Manalo: 'Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda'

Benj Manalo at Lovely Abella

ISINILANG na ng Kapuso actress-entrepreneur na si Lovely Abella ang panganay na anak nila ni Benj Manalo.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinakita ng celebrity mommy ang kanyang no filter photo kung saan makikitang nagpapadede siya ng sanggol.

Ayon kay Lovely, napakaraming hirap at sakripisyo ang dinanas niya mula sa siyam na buwang pagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak.

Abot-langit ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos dahil maayos niyang naisilang ang unang anak nila ni Benj. Narito ang kabuuang post ni ng aktres sa IG.

“Di ka man lang nagpaganda!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko, ng mga oras na to wala akong kinapitan kundi ang Faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan ang pagmamahal sakin ng Asawa ko @benj Pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo.

“Binigla kami ng pagkakataon, di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko, kaya ang larawan na to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin. Walang sinumang magulang naghangad ng masama para sa Anak,” pahayag ni Lovely.

Nangako rin ang aktres na ise-share nila ni Benj ang kanilang pregnancy journey, “Sa darating na Sabado ilalabas po namin ang Vlog namin kung gaano kahirap ang dinanas namin, pero in God’s Grace napakaganda ng reward niya sa amin. Mapapanood niyo po sa Benly the pangga stories. Salamat po sa lahat.

“Itutuloy ko lang po ang pagpapa breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon hirap pa din ako mag produce ng milk, pag aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng Anak ko.

Baka Bet Mo: Lovely kay Benj: Binago ni Lord ang asawa ko…hindi na mainitin ang ulo, wala siyang reklamo sa kabila ng katamaran ko

“At higit sa lahat Maraming maraming salamat sa lahat ng Doctor namin ni Liam. Di ko na po kayo iisa isahin sobrang salamat at ginabayan kayo ni Lord,” mensahe pa ni Lovely.

Itinuturing ng celebrity couple na “miracle baby” ang kanilang anak. Aniya sa kanyang Instagram post noong ibandera nila na magkakaroon na sila ng anak, “In GOD’s Perfect TIME! MIRACLE HAPPENS! Grabe para akong himatayin ng oras na to, di ako makapaniwala bago ko ibigay sa Asawa ko @benj Napakagandang Blessing sa unang buwan ng 2023!

“After 15 years sa unang anak ko, at after 3 years na tintry namin ng Asawa ko tsaka palang binigay ni Lord…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)


“Miracle Baby para sa amin knowing na mababa ang Sperm count ng asawa ko, kung kani kanino nadin ako nagtanong para mag paalaga dahil tumatanda na din ako turning 37 this year kaya mas takot na ako sa mga impossibleng mangyari sakin.

“Pero iba ang FAITH namin kay LORD lalo na ang Asawa ko ang dasal niya palagi na sana mabigyan niya kami ng anak at grabe PRAISE GOD napakaganda ng regalo mo samin.

“Lord Praying po na maging healthy siya at di po ako mahirapan and Please Pray for us po ni Baby. waiting na lang po kami sa Heart beat niya today siya po ay 5 weeks and 5 days,” lahad pa ni Lovely Abella.

May 15-year-old daughter na si Lovely mula sa dati niyang relasyon, si Crisha Kaye Coja.

Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending