Cristy Fermin sa mga nagbabanta kay MTRCB Chair Lala Sotto: Huwad ang katapangan n'yo | Bandera

Cristy Fermin sa mga nagbabanta kay MTRCB Chair Lala Sotto: Huwad ang katapangan n’yo

Reggee Bonoan - September 22, 2023 - 09:40 PM

Cristy Fermin sa mga nagbabanta kay MTRCB Chair Lala Sotto: Huwad ang katapangan n'yo
BINALAAN ang kolumnistang si Cristy Fermin ang mga taong nagpapadala ng threats at patuloy na pambabatikos kay Movie and Television Review and Classification Board Chairman Lala Sotto.

Ito ay kaugnay sa pagpapataw ng naturang organisasyon ng 12-day suspension sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Sa kanyang vlog na “Showbiz Now” napag-usapan nila Cristy kasama ang mga co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendel Alvarez ang matinding pambabatikos na natatanggap ngayon ni Lala.

Kahit raw kasi nauna nang ihayag ni Lala na wala siyang kinalaman sa naturang desisyon na inilabas ng MTRCB dahil pinili nitong huwag nang magbigay ng boto ay patuloy pa rin itong nadidiin sa isyu at humantong pa nga sa ito sa pagkakaroon ng mga banta para sa kaligtasan ni Lala at ng kanyang buong pamilya.

“Sa sobra sobrang pamemersonal kay Chairwoman Lala Sotto, nag-angatan na po ang mga abogado, ang samahan ng mga broadcasters, ang mga taong hindi po kumikibo dati pero ngayon po ay nagbibigay ng opinyon dahil labis na e. Sobra na… At saka meron pang ‘Mamatay na sana ang buong pamilya ninyo’ di ba?” sey ni Cristy.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinuna ang ‘labis’ na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagbigay naman ng paalala si Cristy sa mga bashers at tagasuporta ni Vice at ng programang “It’s Showtime” na maghinay-hinay sa mga ibinabatong salita lalo na’t wala namang ginawang kasalanan si Lala.

Aniya, “Alam niyo po, ‘wag po tayong nagbibitiiw ng mga salita na ganyan. Alam niyo naman po, matakot tayo. Mapagbiro ang panahon. Baka mamaya po, sa atin bumalikwas ‘yang mga pinagsasasabi natin.”

Hinangaan naman ni Cristy ang pagkakaroon ng malawak na kaisipan ni Lala at paraan ng pagtanggap nito sa mga pambabatikos laban sa kanya.

“Totoo naman po. Masama pa ba ang puso ng isang tagapamuno na kinontra pa nga ang nakalagay sa IRR ng MTRCB na sa halip na one month ang suspension sa ‘It’s Showtime’ ginawa na lang labindalawang araw.

“Nag-inhibit pa po ‘yun. Hindi pa siya sumama doon sa pagbibitiw ng suspensyon [ng It’s Showtime]. Aba. Hindi naman po tama ang ginagawa n’yo. Matakot po kayo sa karma kasi baka mamaya ‘yang mga pinagsasasabi ninyo, mga bagay na ipinupukol n’yo sa kapwa n’yo, bumalandra mismo sa buhay n’yo,” sey ni Cristy.

Hinamon rin ang kolumnista na kung matapang ang mga bashers ay ipakita nito ang tunay na identity.

Gigil na sabi ni Cristy, “Nakakahiya. Ang lalakas ng loob niyong magsabi na mamatay na sana ang pamilya Sotto pero ang picture niyo tissue. Naku! ‘wag po kayong kasing tapang ng kapapanganak na tigre na magsasabing ‘Dapat ka nang umalis dyan bilang chairman ng MTRCB’, ‘Dapat sa ‘yo ipapatay’, ‘Dapat sa ‘yo ipa-rape’ pero ang picture n’yo, stick ng ice drop?

“Matatapang kayo? huwad ang katapangan niyo. Head on kay chairman Lala Sotto, magpakita kayo ng identity ninyo. Pumunta kayo ng MTRCB… Makipgharap po kayo para magkaliwanagan kayo. Hindi po ‘yung ganyan. Peke po ‘yung katapangan niyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘Showtime’ tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: ‘Have some decency’

Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending