Cristy Fermin tinalakan si Vice Ganda: Alam mo naman... pabida talaga | Bandera

Cristy Fermin tinalakan si Vice Ganda: Alam mo naman… pabida talaga

Therese Arceo |January 18,2023
facebook
share this

Cristy Fermin tinalakan si Vice Ganda: Alam mo naman… pabida talaga

Therese Arceo - January 18, 2023 - 03:59 PM

Cristy Fermin tinalakan si Vice Ganda: Alam mo naman... pabida talaga

MUKHANG hindi nagustuhan ng kolumnistang si Cristy Fermin ang tila pangsasapaw ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pagbabalik ng kanyang kaibigang si Vhong Navarro.

Matatandaang nitong Lunes, January 16, masayang sinalubong ng madlang pipol maging ng kanyang co-hosts ang TV host-comedian matapos ang halos apat na buwan nitong pagkawala sa programa.

Ang naturang pagbabalik nga ni Vhong ay pinag-usapan nila Cristy kasama ang co-host niyang si Romel Chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” ay dismayado ito dahil sa tila pag-agaw ni Vice ng spotlight sa kaibigan.

Aniya, marami raw mga komento na parang nasapawan ng komedyante si Vhong.

“Ang dami-daming komento, nakikita naman natin sa social media, mga text messages, mga tawag na nagsasabing parang ayaw ibigay ni Vice Ganda ang moment kay Vhong Navarro. Lalo na ‘yung sinabihan niya si Ogie Alcasid na, ‘Oh, maigsi lang ah yung mga sasabihin’,” saad ni Cristy.

“E bakit siya, tiwa-tiwayway ang sinasabi niya? Halos kanya na nga ang buong-buong programa. ‘Yung mga kasama niya natural, tulad niya ay sabik na sabik din sa presensya ni Vhong Navarro sa pagbabalik,” dagdag pa niya.

Sey ni Cristy, dapat raw ay ibinigay na lang sana niya ang moment na ito kay Vhong lalo na’t ang tagal nitong nawala.

“Alam mo kung minsan kasi kapag hawak na ang mikropono, alam mo naman si Vice, pabida talaga ‘to e.

Hindi mo maiaalis sa kanyang ‘yung pagiging pabibo, pabida, diba? Kasi ang feeling nga niya siya ‘yung kung baga ay kapitan ng barko,” hirit pa ni Cristy.

Anyway, muli na ngang napapanood si Vhong tuwing tanghali sa It’s Showtime”.

 

Related Chika:
Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin umalma sa mga tumatawag ng ‘kriminal’ kay Vhong Navarro: Tabi-tabi naman po!

Cristy Fermin sa pagbagsak ng pangangatawan ni Vhong Navarro: Napakapayat! Pumayat!

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending