Cristy Fermin umalma sa mga tumatawag ng 'kriminal' kay Vhong Navarro: Tabi-tabi naman po! | Bandera

Cristy Fermin umalma sa mga tumatawag ng ‘kriminal’ kay Vhong Navarro: Tabi-tabi naman po!

Therese Arceo |December 09,2022
facebook
share this

Cristy Fermin umalma sa mga tumatawag ng ‘kriminal’ kay Vhong Navarro: Tabi-tabi naman po!

Therese Arceo - December 09, 2022 - 10:26 AM

Cristy Fermin umalma sa mga tumatawag ng 'kriminal' kay Vhong Navarro: Tabi-tabi naman po!
PINALAGAN ng kolumnistang si Cristy Fermin ang mga taong tumatawag ng “kriminal” sa TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Ito ay napag-usapan nila sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Nabanggit nga ni Cristy na pansamantala nang nakalaya si Vhong matapos ang halos tatlong buwan nitong pagkakakulong sa National Bureau of Investigation detention center at Taguig City Jail.

Matatandaang noong Martes, December 6 nang sunduin ng kanyang asawang si Tanya Bautista-Navarro ang Kapamilya artist matapos i-grant ang kanyang petisyon upang makapagpiyansa sa halagang isang milyon.

“Totoong-totoo ‘yung kapag maraming nananalangin, kapag maraming nagdarasal para sa isang tao, ang bilis bilis rin ng aksyon ng langit,” saad ni Cristy.

Sey pa niya, makaka-attend na raw si Vhong sa kanyang mga pagdinig ng walang posas, muling makakabalik sa kanyang pagtatrabaho, at ang pinakaimportante nga ay ang makapipiling na niya ang kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Pero nagbigay naman ng babala si Cristy sa mga netizens na tumatawag ng “kriminal” sa komedyante.

Saad ng kolumnista, “Tabi-tabi naman po. Sana naman ‘wag nating tawaging kriminal agad-agad si Vhong Navarro. “Hindi pa po kasi natatapos ang kabuuang pandinig ng dalawang kasong isinampa laban sa kanya.”

Lahad pa ni Cristy, ang isang tao ay itinuturing na inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.

Super happy nga ang kolumnista dahil kahit papaano ay natupad ang mga dasal para kay Vhong na pansamantala itong makalaya.

Related Chika:
Cristy Fermin ipinagtanggol si Ella Cruz: Wala akong nakikitang mali

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Cristy Fermin binalaan si Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap: Ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending