Cristy Fermin sa pagbagsak ng pangangatawan ni Vhong Navarro: Napakapayat! Pumayat! Bandera

Cristy Fermin sa pagbagsak ng pangangatawan ni Vhong Navarro: Napakapayat! Pumayat!

Therese Arceo |November 23,2022
share this

Cristy Fermin sa pagbagsak ng pangangatawan ni Vhong Navarro: Napakapayat! Pumayat!

Therese Arceo - November 23, 2022 - 01:48 PM

Cristy Fermin sa pagbagsak ng pangangatawan ni Vhong Navarro: Napakapayat! Pumayat!
MULING napag-usapan ng kolumnistang si Cristy Fermin kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika ang TV host actor na si Vhong Navarro.

Ayon sa kolumnista, kapansin pansin raw ang diumano’y pagpayat ng pangangatawan ng “It’s Showtime” host nang ilipat ito mula sa National Bureau of Investigation Detention Center papuntang Taguig City Jail.

Sa kaniyang programang “Cristy Ferminute” nga ay natalakay nga ng dalawa patungkol sa tuluyang pagkakakulong ni Vhong sa Taguig City Jail.

Labis nga ang lungkot na nararamdaman ng kolumnista nang makitang naka-posas ang TV host-comedian habang ibinabiyahe papunta sa naturang piitan.

“Ayon sa mga nakakausap ko, higit na mas malawak itong Taguig City Jail dahil parang may dormitoryo dito. Kumbaga siguro, walang kasama ang mga nakapiit sa kanilang dormitoryo. Parang ganon,” lahad ni ‘Nay Cristy.

Pagpapatuloy niya, “Pero khit gaano pa kaganda ilarawan ang isang piitan, ang isang kulungan, ay kulungan pa rin kahit sa anong lenggwahe.”

Napansin rin nina ‘Nay Cristy ang pagbagsak ng pangangatawan ni Vhong base na rin sa mga video clips at mga larawang inilbas sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Maging ang pangamba sa seguridad ng Kapamilya star ay natalakay rin nila.

“Napakapayat! Pumayat! At saka… nakakalungkot talaga. Hindi naman siya siguro maaaring masaktan doon dahil ayon nga sa mga nakausap ng kanyang mga abogado ay mahigpit doon lalo na ang warden,” saad pa ni ‘Nay Cristy.

“Kaya lamang po, ang sabi po namin, sa kahit na anong paraan, ang pagkakulong ay pagkakulong. Natural sobra pong lungkot nito para sa amin sa industriya maging sa kanyang mga tagahanga,” dagdag pa niya.

Hiniling rin ni ‘Nay Cristy na sana ay isama si Vhong sa mga dasal na mapagbigyan nang makapag-piyansa at pansamantalang makalaya.

“Ipanalangin na lang natin na sana’y mabigyan na siya ng piyansa. Baka kasunod na nito ang pagbibigay ng piyansa dahil naroon na siya sa pinag-ugatan ng kaso,” sey pa ng kolumnista.

Related Chika:
Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Madlang pipol kanya-kanyang hugot sa pagkakulong ni Vhong Navarro; ‘It’s Showtime’ hosts nag-group hug

Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin

Willie Revillame handang rumesbak para kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending