Cristy Fermin pinuna ang 'labis' na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula? | Bandera

Cristy Fermin pinuna ang ‘labis’ na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula?

Therese Arceo |August 12,2023
facebook
share this

Cristy Fermin pinuna ang ‘labis’ na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula?

Therese Arceo - August 12, 2023 - 11:20 PM

Cristy Fermin pinuna ang 'labis' na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula?

HINDI napigilan ng kolumnistang si Cristy Fermin na punahin ang palaging pagpo-post ng aktres na si Kris Bernal sa kanyang social media accounts.

Ito ay matapos niyang ihayag kung gaano niya hinahangaan sina Lovi Poe at ang fiancee nitong si Monty Blencowe dahil naitago nito nang mahabang panahon ang kanilang engagement.

Sa kanyang “Cristy Ferminute” episode noong August 10 kasama si Romel Chika ay pinulis ng mga ito ang madalas na pagbabahagi ni Kris ng kaganapan nito sa buhay.

“Para malaman niya ang mga bagay-bagay na dapat ina-announce at hindi,” banat ni Romel.

Segunda naman ni Cristy, “Na dapat may iniiwanan para sa kanilang mga personal na kaalaman. Na dapat nag-iiwan ng kahit konti lang para sa kanilang sarili.”

Dagdag pa nito, “Ikaw ‘yung mga nanganganak ka, may nakabantay na kami sa tapat ng… Naku! Kakaloka ka!”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Giit pa ni Cristy, totoo raw pala talaga ang chikang palaging may nakasunod na kamera kay Kris sa bawat gawin nito.

“Totoo pala ‘yun. May nag-confirm sa akin kahapon. Mag kamera pala talagang nakatutok sa panganganak niya… Isipin mo manganganak ka, documented ‘yung… Hay naku. Aywan ko. Ayoko,” sey pa ng kolumnista.

Matatandaang una niyang pinansin si Kris Bernal sa August 8 episode nila kung saan ibinahagi nila ang mga hanash ng bashers nito dahil lahat raw ay kanyang ipino-post sa social media.

“Lahat ng kagamitan niya, ipinakikita. Lahat ng pinupuntahan niya, ipinakikita. Sakay ng eroplano, naka-business class ipinakikita. At ito na nga. Pati sa panganganak, pinatutukan niya,” sey ni Cristy.

Aniya, nagsasawa na raw ang madlang pipol sa mga pinaggagagawa ni Kris na pag-update sa social media.

“Ano kaya? Bakit kaya? Gagawa kaya siya ng isang pelikula?” Dagdag pa niya.

Chika naman ni Romel, siguro raw ay excited lang si Kris kaya lahat ng kilos nito ay kinukunan niya para mawala ang kanyang kaba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

‘Showtime’ tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: ‘Have some decency’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending