Niño Muhlach naibenta ng P500k ang FAMAS award kay Boss Toyo
MAS mahal daw pala ang tropeo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS kumpara sa Gawad Urian.
Naikumpara kasi ang presyo ng dalawang tropeo nang naunang ibenta ni Jiro Manio kay Boss Toyo ang Gawad Urian Best Actor trophy niya para sa pelikulang “Magnifico” sa halagang P75,000.
Gayung naibenta ni Niño Muhlach ng P500,000 o kalahating milyon ang isa sa anim na FAMAS trophy niya bilang Best Child Performer.
Si Boss Toyo ang vlogger at may-ari ng Pinoy Pawnstar na matatagpuan sa Quezon City.
Say ni Boss Toyo sa nabiling best child actor trophy ni Niño Muhlach, “Ikaw kasi ang tumatak sa maraming Pilipino at our age na 30, 40 and 50.
“And the next is Aiza Seguerra makikita mo ‘yung consistency hindi lang panandalian kung baga haligi siya,” dugong pa niya.
Baka Bet Mo: Yen Santos waging best actress sa Gawad Urian, may message kay Paolo Contis
Medyo mabigat daw ang tropeo sabi ni Boss Toyo at naikumpara pa na may pangalan ito ni Niño hindi tulad ng isa pang tropeong ibinenta sa kanya na walang pangalan at ‘yung kay Jiro Manio rin ay wala.
View this post on Instagram
Nakalagay din na nakamit ng aktor ang tropeo niya taong 1977 pero walang nakalagay kung anong pelikula ito kaya’t nag-Google kami.
Ito pala ang unang FAMAS trophy ni Niño para sa pelikulang “Kutong Lupa” kasama sina Zaldy Zshornack, Nida Blanca, Johnny Delgado, Alicia Alonzo at Celia Rodriguez.
Ang iba pang FAMAS trophy ni Niño ay para sa “Tahan na Empoy, Tahan” (1978); “My Father, My Mother” (1979); at tatlong nominee trophy noong 1980 para sa pelikulang “Kuwatog”; “Tembong” noong 1981 at “Hula” taong 1984.
Pero ang pagkakatanda ni Niño ay lima lang ang FAMAS trophy niya.
Alanganing magbigay ng presyo si Boss Toyo dahil alam niyang maraming pera si Niño kaya tinanong niya kung saka-sakali ay magkano niya ibebenta ang trophy.
Siya rin kasi ang nag-request sa aktor kung may memorabilia siyang puwedeng ibenta at hindi nagkusang pumunta roon para magbenta.
“Kung meron akong gustong makuhang FAMAS best child actor ay kay idol Nino,” sambit ni Boss Toyo.
“Kung sakali ‘no, ang habol ko lang talaga is ma-restore ‘yan at mailagay mo do’n sa sinasabi mong museum mo parang legacy na anybody can see it kasi sa bahay hindi naman nakikita, eh. Sabi ko nga napapabayaan na lang kasi ang dami ko na ring mga awards,” paliwanag ni Nino.
Baka Bet Mo: True ba, Ricci Rivero ginawa lang trophy girlfriend si Andrea Brillantes…natsitsismis sa bading?
Unang tawad ni Boss Toyo ay P100,000 hanggang umabot sa 200,000 pero hindi bumigay si Niño kaya ginawang P500,000 sabay kinamayan na ng una ang aktor at dalawang anak nitong kasama na sina Zandro at Alonzo.
Mapapanood ang episode ng Pinoy Pawnstar sa YouTube channel ni Boss Toyo.
Samantala, may nagkomento nga na mas mahal pala ang FAMAS trophy kumpara sa Gawad Urian.
Sabi naman ng nakatsikahan naming personalidad habang pinapanood niya ang video, “Hayan sa mga may award na, puwedeng pagkakitaan na kapag nagigipit, punta lang kay Boss Toyo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.