Niño Muhlach: Iniipon ko ang lahat ng kita ng anak ko! | Bandera

Niño Muhlach: Iniipon ko ang lahat ng kita ng anak ko!

Jobert Sucaldito - October 28, 2015 - 02:00 AM

nino muchlach

Nakakatuwa si Alonzo Muhlach during the presscon of Frabelle Hotdogs na ine-endorse ng bata. Giliw na giliw ang executives nu’ng kumanta si Alonzo with matching groovy dance moves ang baby boy nating si Alonzo who looked really cute – para pinagbiyak nga silang mag-ama ni Niño Muhlach who was seated beside him during the entire question and answer.

Napag-usapan ang future ng batang ito – kasi nga during Niño’s prime, talagang inipon ng tatay niyang si Alex Muhlach ang lahat ng kinita niya. Nag-invest ang ama niya sa real estate at ipinagpatayo siya ng building sa Quezon City na kilala bilang Niño’s Apartelle.

Mabuti na lang at naging wise si Alex kaya kita niyo naman, living comfortably si Niño. Bukod sa trust fund may nabili pa silang isang malawak na lupain sa Batangas.

“Ako naman, I save Alonzo’s income. Maliban sa mga toys na ibinibili ko for him, naka-save sa bank ang pera niya. Hindi man ka-sing-laki ng kinita ko noon pero rest assured na may ipon ang anak ko.

His own money ha. Ginagaya ko ang father ko on how he saved for my future nu’ng bata pa ako.
“Kaya ngayon, tuwing may opportunity ang anak ko to get some projects, I save for him. So far so good naman,” ani Niño na talagang hands-on dad sa kaniyang baby Alonzo.

Sa totoo lang, natutuwa kami kay Onin sa pag-alaga niya sa anak niya. At napansin namin, lalo siyang bumait – iba talaga ang epekto sa buhay natin ang pagkaroon ng anak.

About Frabelle Hotdogs, natikman namin ito at sobrang sarap nga. CONFIRMED!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending