2 pulis nahuling nagtatalik ng kanilang mga asawa sa mall

2 pulis huli sa aktong nagtatalik ng kanilang mga asawa sa parking lot

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 09:01 AM

2 pulis huli sa aktong nagtatalik ng kanilang mga asawa sa parking lot

File photo: Inquirer

PARANG eksena sa isang teleserye at pelikula ang nangyari sa pagitan ng dalawang couple na pulis sa parking lot ng isang shopping mall.

Kung feeling n’yo ay sa mga soap opera lang at pelikula nagkakabukingan at nagkakahulihan sa akto ang mga legal wife at kabit, nagkakamali kayo mga ka-BANDERA!

Dalawang pulis ang kinasuhan ng adultery at concubinage matapos silang mahuli ng kanilang mga asawa na nagtatalik sa isang parking lot ng mall sa Laguna.

Sa ulat ng ABS-CBN, mismong ang mga asawa ng umano’y magkalaguyong pulis ang nagsagawa ng “imbestigasyon” hinggil sa ginagawang milagro raw ng kanilang mga partner.

Baka Bet Mo: Jake sa mga umarestong pulis: Hindi ako naglaban, hindi ko sila pinahirapan

Matagal na raw kasing may duda ang mga ito na may namamagitan sa lalaking pulis at ng babaeng enlisted personnel.

Kaya naman nang timbrehan ng kanilang mga impormante ang mga nagrereklamong asawa ng dalawang pulis na nasa isang mall sa Laguna ang mga ito nitong nagdaang Huwebes, ay agad na silang umaksyon.

Pagdating nila sa parking lot dakong alas-10 ng umaga ay nakita nga nila ang sasakyan ng isa sa mga pulis. Nang sipatin ang loob ng kotse ay tumambad nga sa kanila ang dalawang pulis na nagtatalik.

Ngunit nang komprontahin ng mga complainant, mabilis na tumakas ang dalawang pulis at tinangka pa umanong sagasaan ang kanilang mga asawa.

Binaril ng nagrereklamong pulis ang gulong ng sasakyan ng kanyang misis kaya na-flat ang isang gulong nito.

Hanggang sa makatalon naman mula sa sasakyan ang suspek na lalaking pulis at nagtangkang tumakas ngunit nabaril naman siya ng kanyang misis at tinamaan sa balikat.

Baka Bet Mo: #KakaTense: BBM loyalists, Kakampinks nagpang-abot sa mall, mga sekyu agad umaksyon

Agad namang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng insidente ang nabaril at sugatang suspek.

Nakatakas ang babaeng pulis gamit ang kanyang sasakyan kahit na flat ito at kasalukuyan pa ring pinaghahahanap ng mga otoridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang dalawang pulis ng kani-kanilang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending