Mag-asawa mala-teleserye ang kuwento ng hiwalayan,

Mag-asawa mala-teleserye ang kuwento ng hiwalayan, wifey nagdemanda

Ervin Santiago |January 26,2024
facebook
share this

Mag-asawa mala-teleserye ang kuwento ng hiwalayan, wifey nagdemanda

Ervin Santiago - January 26, 2024 - 09:13 AM

Mag-asawa mala-teleserye ang kuwento ng hiwalayan, wifey nagdemanda

Guess, guess who!?

PARANG kuwento sa mga teleserye ang nasagap naming chika tungkol sa isang married couple na naghiwalay dahil sa third party.

Matagal nang hindi nagsasama ang mag-asawa na connected sa isang sikat na kumpanya at negosyo sa Pilipinas. Kasalukuyang may kinakasama na umano ang guy at knows naman daw ito ng kanyang legal wife.

Napag-alaman namin na naloloka at naba-bad trip si misis sa kanyang estranged husband dahil sa lifestyle nito ngayon.

Baka Bet Mo: Wifey ni JC de Vera na si Rikkah Cruz buntis uli sa kanilang 2nd baby: ‘It’s a girl!’

Mahilig daw kasing mag-post sa social media ang guy ng mga kaganapan sa buhay niya kasama ang kinakasama niyang girlalu.

Feeling namin, hindi nagugustuhan ni legal wifey ang pagbabandera ng dating asawa sa kanyang “other woman” dahil nakakaapekto na ito sa kanilang mga negosyo.

Kasi nga, from time to time ay nagkikita pa rin ang estranged couple kapag kailangan nilang um-attend sa mga executive at board meeting para sa kanilang mga business.

At ang latest nga ay ang pagsasampa ng lady executive ng concubinage laban sa kanyang asawa na sinasabing isa sa mga paraan para mas mapabilis ang hatian ng kanilang conjugal assets and properties.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “concubinage” ay ang kasong isinasampa laban sa mga lalaking may asawa na.

Baka Bet Mo: Vice Ganda super proud sa pagsali sa marathon ni Ion Perez: ‘Supportive wifey yarn!?’

Pero hindi siya basta-basta mapaparusahan ng batas sa alegasyong nakipagtalik siya sa ibang babae na hindi niya asawa.

May tatlong “qualifying incident” para mapatunayang guilty si husband sa kasong concubinage. Unang-una, ang pagbabahay ng kanyang other woman sa bahay mismo nila ng asawa.

Pangalawa, ang lalaki ay nakikipagtalik “on scandalous circumstances” o nakikita mismo ng kapitbahay o ibang tao at pangatlo, isinasama ng lalaki ang kaniyang kalaguyo sa pampublikong lugar na para silang mag-asawa.

Pero hindi pasok ang sitwasyon na sasabihing pinupuntahan ng lalaki ang kanyang kalaguyo sa bahay kung saan niya ito itinatago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hati rin daw ang paniniwala ng kanilang mga anak sa kanilang sitwasyon ngayon pero sa kabila nito, mukhang paninindigan ni legal wifey ang pagsasampa ng concubinage laban sa kanyang estranged husband.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending