Request ng fans: Juday, Piolo sa Pinoy version ng 'The World of a Married Couple' | Bandera

Request ng fans: Juday, Piolo sa Pinoy version ng ‘The World of a Married Couple’

Ervin Santiago - July 29, 2020 - 01:20 PM

 

PUMAYAG kaya sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos na gawin ang Pinoy version ng hit Korean series na “The World of a Married Couple.”

 

Hot topic ngayon sa social media ang request ng madlang pipol na sana’y matuloy na ang inaabangang reunion project ng dating magka-loveteam.

 

At ang suggestion nila sa ABS-CBN, pagtambalin muli sina Papa P at Juday sa Filipino adaptation ng sikat na sikat na “The World of a Married Couple” na napapanood ngayon sa Kapamilya Channel.

 

Sa Facebook, kumalat ang fan-made trailer ng nasabing K-Drama na kunwari’y pinagbibidahan nina Juday at Piolo. Kuha ang mga ginamit na video sa mga dati nilang pelikula.

 

Positibo ang pagtanggap dito ng madlang pipol base na rin sa libu-libong likes at comments na nakuha ng nasabing viral video mula sa kanilang mga supporters.

 

Mukhang hindi naman ito imposibleng mangyari dahil pareho namang game sina Juday at PJ na magsama uli sa isang project. Ang tanging kundisyon lang nila — dapat kakaiba at maganda talaga ang materyal.

 

“Siguro kapag nagkaroon na ng vaccine at pwede nang lumabas lahat ng tao, siguro matutuloy na siya,” ang bahagi ng pahayag ni Juday sa panayam ng ABS-CBN noong nakaraang buwan.

 

“Parati ko namang sinasabi kapag may magtatanong, wala namang imposible sa buhay na ito at sa panahong ito.

 

“It’s just a matter of time. Nagkataon lang, inabot kami ng COVID. I guess hahaba pa ang panahon bago kami makagawa ng project together. It’s just also a matter of right material,” chika pa ng misis ni Ryan Agoncillo.

 

Dagdag pa niya, “Ang tagal, ilang dekada na ang nagdaan after nu’ng huli naming project. Habang tumatagal, mas lalong dapat may substance ‘yung material. Mas worth it panoorin kasi matagal inabangan.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Gusto ko isipin na with this lockdown, magkakaroon ng magandang material na napapanahon at sobrang worth it gawin. Baka kapag nagkita kami, pareho na puti ang buhok namin.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending