Jake sa mga umarestong pulis: Hindi ako naglaban, hindi ko sila pinahirapan | Bandera

Jake sa mga umarestong pulis: Hindi ako naglaban, hindi ko sila pinahirapan

Reggee Bonoan - October 13, 2021 - 01:35 PM

Jake Cuenca

NAGSALITA na si Jake Cuenca tungkol sa kinasangkutan niyang kontrobersya nitong Sabado ng gabi, kung saan inaresto siya ng mga pulis matapos umanong makabangga ng sasakyan ng pulisya.

Naganap ang insidente sa Mandaluyong nang parahin ng mga nakasibilyan na pulis ang sasakyan ng aktor ngunit hindi siya huminto na dahilan kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa barilin na ng otoridad ang SUV ni Jake na naging dahilan din kaya may tinamaang Grab rider sanhi ng stray bullet.

Eksklusibong nakapanayam via zoom si Jake ni MJ Felipe ng “TV Patrol” nitong Martes, “In that moment I was thinking for my life,” bungad ng aktor. 

“When I have civilians flagging down my car, armed civilians flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was not stop, just to go forward, to just get away from trouble,” aniya pa.

Sinabi pa ng binata na wala siyang natandaan o naramdamang may nasagi siyang sasakyan tulad ng sinasabi ng mga undercover cops.  Ang tanging merong sira sa sasakyan niya ay dahil sa mga balang tumama rito kasama na ang malapit sa tangke ng gas.

Tulad ng nasulat namin dito sa BANDERA ay hindi siya aware na may police operations nagaganap sa lugar na dinaanan niya habang patungo siya sa bahay ng kaibigang aktor na si Paulo Avelino.

“To be honest, hindi ko talaga naramdaman ’yung sideswiped, e. Naguguluhan din kami kung saan nangyari ’yung bangga? Kasi in my car, there’s no paint from anywhere, there’s no damage in my car aside from the damage that was caused by the gunshots.

“I understand that there was operation out there that we don’t know about and people are just doing their jobs and I completely understand,” paliwanag ni Jake.

At habang tumatakbo ay nakakita siya ng mga nakaunipormeng pulis na pinara siya at saka lang siya huminto at doon lang din nalaman na kaya siya pinara ay para hulihin siya at hindi ang mga humahabol sa kanya na nagpapaputok ng baril na talagang lito siya bakit siya pinapaputukan.

At paghinto niya, “I followed everything that they wanted me to do. I followed due process. I followed all. Hindi ako naglaban, hindi ko sila pinahirapan.”

Nilinaw din ng aktor na wala siyang nabanggang tao at dalawang beses tsinek ang kanyang sasakyan ng mga pulis at walang nakitang illegal na bagay at higit sa lahat, hindi siya nakulong at nabawi na niya ang kanyang sasakyan.

“It was very traumatizing. I’ll be very honest na I think ’yung hindi nasasabi, you know in the middle of the car chase na hinahabol ako ng unmarked cars and pinagbabaril ako ng  at that time I didn’t know na they were undercover cops never in my mind did I think they were shooting for my tires. I thought they were shooting for me,” balik-tanaw ni Jake na halatang nagpipigil ng luha.

Samantala, handang tumulong ni Jake sa nabaril na Grab rider na si Eleazar Maritinito.

“Despite of the police taking that responsibility, I also wanted to extend my hand in any way, shape, or form that I can help him and his family, I’m willing to do that,” saad ng aktor.

Pinasalamatan naman ni Jake ang mga kaibigan, supporters at miyembro ng pamilya na nangumusta, nagpadala ng message of concern tulad ng girlfriend niyang si Kylie Versoza at tatay niyang si Juan Tomas Cuenca.

Binanggit din niyang kaagad nagtungo sa presinto ang ama at ang kaibigang si Paulo, “They (dad at Paulo) were with me all through the night, all through the experience and stood there by my side,” sambit nito.

At nitong Lunes, Okt. 11 ay sinampahan si Jake ng reklamong Disobedience to a Person in Authority at Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property na sasagutin naman ng kampo ng aktor through counter affidavit na isusumite sa Prosecutors Office as due process.

Tanging affidavit of undertaking at waiver palang ang napirmahan ni Jake na hindi  idinetalye kung ano ang nilalaman ng waiver at kung para saan ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang isasampang kaso si Jake laban sa undercover cops na bumaril sa sasakyan niya ang gusto lang niya ay maayos na lahat ang gusot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending