#KakaTense: BBM loyalists, Kakampinks nagpang-abot sa mall, mga sekyu agad umaksyon | Bandera

#KakaTense: BBM loyalists, Kakampinks nagpang-abot sa mall, mga sekyu agad umaksyon

Ervin Santiago |April 29,2022
facebook
share this

#KakaTense: BBM loyalists, Kakampinks nagpang-abot sa mall, mga sekyu agad umaksyon

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 06:16 PM

Nagdagsaan ang mga supporters nina Bongbong Marcos at Leni Robredo sa isang mall sa Makati

Nagdagsaan ang mga supporters nina Bongbong Marcos at Leni Robredo sa isang mall sa Makati

BUTI na lang naging mabilis ang pag-aksyon ng mga security personnel sa isang shopping mall sa Makati City at napigilan ang nakakatensiyong kaganapan nang dahil pa rin sa patuloy na pag-init ng Eleksyon 2022.

Nagkaroon kasi ng tensiyon kahapon, April 29, nang magpang-abot sa nasabing mall ang mga tagasuporta ng  presidential candidates na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo.

Hindi maiwasang magparinigan ang dalawang grupo habang namamasyal sa Rockwell Powerplant Mall sa Makati City.

Kitang-kita sa mga naglabasang litrato at video sa social media ang pagsasama-sama ng mga nakapulang tagasuporta ni Bongbong Marcos at ang mga naka-pink na supporters ni VP Leni.

Base sa napanood naming video sa Facebook, nagkasalubong sa lower ground floor ng mall ang mga maka-Marcos (BBM) at maka-Leni at nagpalakasan ng pagbanggit sa pangalan ng dalawang presidential aspirants.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Dahil dito, mabilis na nagpuntahan sa area ang mga security guard para masigurong walang mangyayaring gulo o away sa pagitan ng magkalabang panig.

Sinaway ng mga guard ang dalawang kampo sa pagsigaw para matigil na ang tensiyon at maiwasan ang anumang masamang pangyayari.

May mga netizen ang nagsabi na mismong ang mga loyalista ni BBM na ang umiwas at nagpunta sa ibang bahagi ng mall nang magdagsaan na ang mga naka-pink sa loob ng mall.

Samantala, nag-share rin sa kanyang social media account si Megastar Sharon Cuneta ng isang video na kuha sa nasabing mall ay aniya, parang gusto niya rin daw magtungo roon.

“Ano mga anak, Sharmy, Kakampink? Parang gusto namin pumunta mga 6:30…Punta rin kayo? Pasyal lang kami,” sabi ni Mega sa comment section ng kanyang post.

Ang sabi ng mga netizens, mukhang hindi pa alam ni Shawie ang naganap na tensiyon sa mall sa pagitan ng mga BBM supporters at mga Kakampink.

May mga gumawa naman ng memes mula sa mga kumalat na litrato at video ng naging sitwasyon sa nabanggit na mall at karamihan nga sa mga ito ay gumamit ng mga salitang “civil war,” at “endgame” na hango sa Hollywood movie na “Avengers”.

Kasunod nito, nag-issue naman ng official statement ang mall hinggil sa nangyari, “Several individuals earlier today at Power Plant Mall showed support for their presidential candidates. Their intent has only come to our attention the past few days due to social media posts.

“While the company does not endorse a specific candidate, we encourage everyone to vote with great thought and responsibility.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Just as we did earlier, our priority remains to be the comfort, security and safety of our customers, and we will continue to ensure this in our community.”

Karen sa chikang ineendorso si Bongbong Marcos: I’m not campaigning for any candidate, trabaho po ito

Hirit ni Toni sa mga tagasuporta nina BBM at Sara: Sabi nila bayad daw po ako…bayad po ba kayo?

Aljur, AJ huli sa akto, magkahawak-kamay habang nasa mall; Kylie walang pake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending