Drummer ng Parokya nagpa-surgery, hiling ni Chito: Umuwi ka na please!
NA-TOUCH ang maraming fans ng Parokya ni Edgar sa birthday greeting ni Chito Miranda para sa kabanda nilang si Dindin Moreno.
Nagkasakit pala ang drummer ng Parokya habang nagaganap ang kanilang concert sa Amerika at kailangan niyang magpaiwan sa Hawaii dahil kinailangan niyang magpa-surgery.
Sa Instagram post ni Chito naikuwento niya ang tungkol dito kasabay ng pa-tribute niya kay Dindin na nag-celebrate nga ng kanyang birthday kahapon, March 16.
Baka Bet Mo: Chito ayaw magsolo: Hindi ko kayang gumawa ng magandang kanta na wala ang mga kabanda ko
Kalakip ang litrato nila together ng kaibigan at kabanda, narito ang madamdamin at inspiring caption na isinulat ng bokalista ng Parokya ni Edgar.
“Happy Birthday, Finley!!!
View this post on Instagram
“Magpagaling at umuwi ka na please! (Na-iwan si Dindin sa Hawaii kasi he got sick mid-tour and needed immediate surgery…pero don’t worry, he’s recovering and doing fine and makakauwi na sya soon),” ang simulang bahagi ng mensahe ni Chito.
Patuloy pa niya, “Kaibigan ko na sya mula prep (6yrs old pa lang) and we’ve been inseparable ever since (whether we liked it or not.
“Madalas kaming magka-klase nung grade school tapos pareho kaming Blue Babble Battalion nung highschool, tapos naging magkabanda na kami after…so wala talaga kaming choice hahaha.
“…and here we are today, magkasama pa rin kahit sa mga gala sa tour (tapos same village pa kami dito sa Alfonso),” dugtong ni Chito.
Baka Bet Mo: Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin
Ayon pa sa asawa ni Neri Miranda, “Palagi kong sinasabi na kahit hindi sya ang pinakamagaling na drummer, sya naman ang da best na bandmate.
“Kumbaga sa basketball team, team player talaga sya…in and outside the band,” sey ni Chito.
Nagbigay pa siya ng isang insidente kung saan muling napatunayan ng OPM icon ang kabaitan at kababaang-loob ni Dindin.
“To give you a recent example, during the tour, I was cooking spam for breakfast (nasa Airbnb kami nun at maaga ako nagising tapos tulog pa sila lahat) and nag-tanong ako sa chatroom kung sino pa may gusto para isabay ko na sa pag-luto.
“Bumaba si Dindin to help out. Sabi nya ‘sige ako na bahala’ (nag sangag sya at nag luto pa ng eggs), tapos di naman pala sya kakain.
“Yun pala masama na pakiramdam nya kaya di na sya makakain. Tumulong lang talaga sya mag prepare ng breakfast for everyone…tapos sya pa naghugas ng mga pinaglutuan.
“That’s how kind he is.
View this post on Instagram
“Tapos during the tour, sobrang sama na ng pakiramdam nya, may short break sya sa gitna during our 2 hour set (Harana Gitara), hihiga lang sya backstage at papaypayan ng staff para ma-relax, tapos sampa ulit after 2 songs to finish the set…playing as if wala syang nararamdaman.
“Ganu’n syang klaseng kabanda.
“Anyway, ang swerte lang namin sa kanya, bilang kabanda at bilang kaibigan.
“Mabuti nalang talaga um-oo ka nung nagyoyosi tayo ng madaling araw sa highschool football field during ‘Days with the Lord’, at tinaong kita, ‘Din…trip mo ba mag drums sa Parokya?’
“Happy Birthday, Mother Goose!!!” ang kabuuang birthday message ni Chito kay Dindin.
Bumuhos naman ang pagbati para kay Dindin kasabay ng pangakong ipagdarasal nila ang agarang paggaling nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.