Chito ayaw magsolo: Hindi ko kayang gumawa ng magandang kanta na wala ang mga kabanda ko
Parokya ni Edgar
ALAM n’yo ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi kayang iwan ni Chito Miranda ang grupo niyang Parokya ni Edgar para magsolo bilang isang musikero?
Ayon sa mister ng aktres at negosyanteng si Neri Naig, hindi raw talaga niya kayang mag-isa at feeling ng OPM icon hindi rin niya kayang gumawa ng magandang kanta kapag wala ang kanyang mga kabanda.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mahabang mensahe ang singer-songwriter tungkol sa bagong album ng Parokya ni Edgar at kung bakit hanggang ngayon ay kapit na kapit pa rin siya sa kanyang grupo.
Simulang pahayag ni Chito, “Sinoundtrip ko ulit yung bagong album namin nung bisperas ng bagong taon, habang nakatambay sa tapat ng bonfire.
“Sobrang amazed na amazed ako sa talent and skill ng mga kabanda ko, at ng mga artists and engineers that were involved in creating the album, at sobrang thankful ako kasi I got (and get) to work with them.
“Bawat song, I’d point out to Neri kung gaano kagaling yung kabanda ko, or yung katrabaho namin na artist, arranger, or engineer on that track, and explain to her kung paano at gaano nila pinaganda yung kanta,” lahad pa ng singer.
View this post on Instagram
Kasunod nito, tinanong daw siya ng kanyang asawa, “Sa kalagitnaan sa album, Neri asked me, ‘Eh ikaw? Hindi mo ba bibigyan ng credit ang sarili mo? Hindi ka ba magaling?’
“Napa-isip ako…sabi ko ‘alam ko naman na magaling ako (sabay tawa ng slight) pero di talaga dumaan sa utak ko at all na may kinalaman ako sa kagandahan ng mga kanta.’ (kahit ako pa yung sumulat hahaha).
“Hindi ako nagpapaka-humble ha? Hindi ko lang talaga naisip. Kaya din siguro tumagal ang Parokya eh. Kasi we rely on, and appreciate the people we work with, and credit them when we come up with something that we like and enjoy…more so than ourselves.
“We always think that it’s somebody else’s ‘fault’ why maganda ang isang kanta…instead of saying na ‘kasalanan ko kung bakit maganda yan,'” chika pa ni Chito.
Dagdag pa niya, “Kaya hindi talaga ako pwede mag-solo, eh. Maliban sa fact na ayoko mag-isa at mas masaya talaga pag sama-sama, tumatak na sa ulo ko na hindi ko kaya gumawa ng magandang kanta na wala yung mga kabanda ko, at yung mga katrabaho namin.
“Again, hindi ako nagpapaka-humble ha! Aware lang ako na mas maganda yung kalalabasan ng mga ginagawa kong kanta sa tulong ng mga kabanda ko, at mga taong nakapaligid sa amin…
“And I acknowledge the fact that I am blessed to be working with talented people like them.
“Wala lang. Salamat, and Happy New Year!” ang huling pahayag ni Chito Miranda.
https://bandera.inquirer.net/297165/chito-may-pa-tribute-para-sa-28-years-ng-parokya-ni-edgar-kahit-wala-pa-kaming-kinikita-sobrang-saya-talaga-namin
https://bandera.inquirer.net/286332/chito-napa-throwback-sa-pagsisimula-ng-parokya-ni-edgar-asar-talo-kina-neri-at-angel
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.