Chito Miranda kinontra ang balitang 'patay' na ang OPM, naglabas pa ng 'resibo' | Bandera

Chito Miranda kinontra ang balitang ‘patay’ na ang OPM, naglabas pa ng ‘resibo’

Ervin Santiago - December 04, 2022 - 10:48 AM

Chito Miranda kinontra ang balitang 'patay' na ang OPM, naglabas pa ng 'resibo'

Chito Miranda

INALMAHAN ng bokalista ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang isyu tungkol sa “pagkamatay” daw ng OPM Original Pilipino Music.

Sa kanyang Twitter account, nag-post kahapon ng “resibo” ang premyadong singer-songwriter para patunayang buhay na buhay pa rin ang OPM sa kabila ng patuloy na pagdami at pagsikat ng mga international artists.

Ibinandera rito ni Chito ang listahan ng Chart Data PH kung saan makikita ang Top 5 most streamed songs ngayon sa Spotify.

Aniya sa caption, “For the first time, the top five most streamed songs in the Philippines are all from OPM artists: #1 Ikaw Lang @nobitamusicph, #2 Pagsamo @ArthurMNeryy, #3 Paraluman @Adadieee, #4 Pano @zacktabudlo, #5 Isa lang @ArthurMNeryy #SpotifyWrapped.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Dagdag pa niyang mensahe, “Sino po ba yung mga nagsasabi na OPM is dead? Kitang-kita at damang-dama ang pagsuporta ng mga Pinoy sa mga Pinoy artists.”

Kasunod nito, ipinost din ng mister ni Neri Miranda na nagmula rin sa kaparehong account ang most streamed OPM groups of 2022 at most streamed OPM artists of 2022 kung saan parehong kabilang ang Parokya ni Edgat sa Top 10.

“Not bad for a bunch of old guys from the 90s No.4 OPM groups No.9 OPM overall.

“Maraming salamat sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa Parokya ni Edgar #spotifyphilippines #spotifywrapped2022,” ang pahayag pa ni Chito.

Bukod kay Chito, ang iba pang miyembro ng Parokya ni Edgar ay sina Buwi Meneses, Darius Semaña, Gab Chee Kee, Dindin Moreno at Vinci Montaner.

Nananatiling matatag at solid ang grupo na nabuo noong 1993.

Chito may pa-tribute para sa 28 years ng Parokya ni Edgar: Kahit wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin

Neri, Chito 7 years nang kasal: You are the best dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Knows n’yo ba kung paano nabuo ang makasaysayang ‘Mang Jose’ ng Parokya ni Edgar?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending