Chito may pa-tribute para sa 28 years ng Parokya ni Edgar: Kahit wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin
Parokya ni Edgar
NAPA-THROWBACK ang OPM icon at songwriter na si Chito Miranda noong panahong nagsisimula pa lamang ang Parokya ni Edgar bilang banda.
Ayon sa mister ng aktres at negosyanteng si Neri Naig, nami-miss daw niya yung mga araw na nagsisimula pa lang ang kanilang grupo sa induatriya ng musika.
Nag-share ng lumang litrato ng Parokya ni Edgar si Chito sa kanyang Instagram account at binalikan nga ang naging buhay nila noong nagsisimula pa lang silang mangarap bilang grupo.
Ani Chito sa caption, “Nakaka-miss yung feeling magbanda nung bago pa lang kami.
“Nag-grocery kasi kami kanina ni Neri, and during the trip home, nakwento ko sa kanya kung paano yung mga buhay naming magkakabanda dati bilang mga estudyante nung nagsisimula pa lang yung Parokya,” simulang pagbabalik-tanaw ng award-winning singer-composer.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa ni Chito, “Yung tipong kahit 10pm pa kami sasalang, magkikita-kita na kami ng hapon after classes tapos tatambay na kami hanggang gabi kasi sobrang excited kami tumugtog.
“Yun yung mga panahon na wala kaming ibang iniisip kundi tumugtog, magsulat ng kanta, mag recording, at tumambay kapag walang gig…
“At kahit na wala kaming pera (maliban kay Dindin), at kahit na wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin nun.
“Sobrang saya pa rin naman hanggang ngayon…pero iba rin talaga yung electricity, energy, at excitement nung nagsisimula pa lang kami.
“Tapos unti-unti naming nararamdaman na nakikilala na yung banda namin, at dahan-dahan naming napapansin na nabibili na namin lahat ng mga gusto naming bilhin,” pagbabahagi pa ng celebrity daddy at hubby ni Neri.
Sa huli, inamin ni Chito na naniniwala siya na may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo, kahit maganda at makabuluhan pa ang hangarin nito.
“It’s been 28yrs since we started playing professionally, and 25yrs since we came out with our 1st album.
“It’s been a wild and fantastic ride…but all good things must come to an end.
“Fortunately for Parokya, feeling ko matagal pa yun,” ang mensahe pa ng frontman ng Parokya ni Edgar.
https://bandera.inquirer.net/286332/chito-napa-throwback-sa-pagsisimula-ng-parokya-ni-edgar-asar-talo-kina-neri-at-angel
https://bandera.inquirer.net/285404/chito-nag-sorry-sa-composer-ng-harana-kinilabutan-nang-marinig-ang-original-version
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.