Hirit ng basher sa bikini photo ni Raffa Castro: ‘Para kang porn star’
SINUPALPAL ng actress-model na si Raffa Castro ang isang netizen na nagkomentong mukha siyang “pornstar.”
Nag-post kasi ang partner ni Joaquin Domagoso sa Instagram ng kanyang sexy mirror selfie suot ang kanyang flaming red bikini photo.
Ang tanging inilagay niya sa caption ay, “(gift emoji) could be yours.”
Matagal nang wala sa eksena si Raffa, ang huling balita sa kanya ay ang pag-amin nila ni Joaquin na meron na silang anak na pinangalanan nilang Scott Angelo Domagoso.
Sinundan ito ng pagdiriwang nila sa 1st birthday ni Scott kasabay ng binyagan nito sa St. Michael The Archangel Parish sa Taguig City.
Baka Bet Mo: Joaquin Domagoso proud na ibinandera ang pagmamahal kay Raffa Castro, first time mag-post ng sweet photo sa socmed
Ngunit naging usap-usapan uli siya ngayon dahil sa pagresbak niya sa isang basher na nagkomento sa kanyang bikini photo.
Umani ito ng maraming likes at positibong comments mula sa mga netizens pero may isa ngang nagsabing, “Para kang porn star, sori po.”
View this post on Instagram
Pambabasag naman sa kanya ni Raffa, “I wear a bikini & suddenly I’m a porn star? Pls most girls ik (I know) have more bikini pics than me but it’s scandalous when I do it…LMAOOO.”
Baka Bet Mo: Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon
Matatandaang last February, na-interview naman si Joaquin sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan sinabi nitong pareho nilang desisyon ni Raffa ang huwag munang magpapakasal kahit may baby na sila.
Pahayag ni Joaquin, “It’s not that we’re deciding or not deciding, that’s the whole beauty about it, e. The moment that you decide and not decide something, mawawala yung question when I do ask or if I do ask.”
Aniya pa, “Because we’re smart, we’re new generation po, and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil may anak na po kayo, magpakasal na po kayo.
“You have to really fall in love with each other. You really have to get that marriage there kasi dun talaga mapu-fruit yung anak mo. And you’re not supposed to force it din, e.
“Pero sa amin, it’s not that pinupuntahan na namin yung marriage. Kasi sa amin, papunta na kami dun, kasi yun na po ang buhay ko, e. Ako, I want a family. I want a beautiful family,” sabi pa ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.